Chapter 64

545K 8.9K 456
                                    

Chapter 64


[Vianca's POV]


"Mag-behave ka mamaya, ha?" Kinakausap ko si Lei habang binibihisan. Iniharap ko siya sa akin at pinasadahan ko ng tingin.


Napangiti ako. Bagay na bagay ang isinuot ko sa kanyang bagong biling T-shirt. Pinamili ko siya ng ilang pares ng damit kahapon, dahil napunta siya dito sa Monteclaro na walang dalang ibang gamit.


"Opo, Mommy." Tumango siya at muling nagsalita. "But do you really have to go to your work now? 'Wag ka na pong pumasok. Dito ka na lang, kasama namin ni Dad." Nag-pout pa siya na lalong nakadagdag sa pagiging adorable niya.


"Baby, kailangan ni Mommy pumasok sa office. Baka mapagalitan ako ng boss ko. But in the meantime na wala ako, doon ka muna kay Daddy." Halos hindi ko mabigkas ang salitang "daddy." Hindi pa talaga ako sanay na tinatawag na daddy si Mitsui.


Pero tanggap ko nang kailangan siyang kilalaning ama ni Lei. Kaya nga, sinusubukan kong bigyan siya ng isa pang pagkakataon para na rin sa kaligayahan ng anak namin.


"Basta 'wag kang magulo doon sa kwarto niya," bilin ko.


Mahirap na. Hindi ko pa kabisado ang ugali ni Mitsui pagdating sa mga bata. Baka mapikon siya sa kakulitan ni Lei kahit pa sabihing anak niya ito.


Kung 'di ko lang kailangang magtrabaho ngayon, hindi ko iiwan si Lei sa kanya. Kaso nga lang, tatlong araw na akong absent. Nag-aalala ako na baka magalit na si Sir LuHan.


Although tumawag ako sa telepono noong nakaraang araw para personal na magpaalam na aabsent ako, iba pa rin ang nag-iingat. Para kasing may pagka-bipolar din 'yon si Sir. Ngayon okay, bukas hindi.


"Tara na po!" Umalis na si Lei sa harap ko at nagmamadaling tinungo ang pintuan. "Hurry up, Mom! Gusto ko na po makita si Daddy!"


"Oo, 'andiyan na." Lumapit na ako sa kanya.


Pagkabukas ko ng pinto ay nauna pa siyang lumabas kaysa sa akin. Halatang sobrang excited na makasama ang daddy niya sa buong maghapon.


"Anak, 'wag masyadong malikot." Hinawakan ko ang kamay niya at magkasabay na naming pinuntahan si Mitsui sa kwartong inuupahan nito.


Pagdating namin sa room nito, nakakailang katok na ako, pero hindi pa rin kami pinagbubuksan ng pinto. Wala yatang tao sa loob.


"Halika na, bumalik na lang tayo mamaya. Baka may inaasikaso lang saglit ang daddy mo sa labas," sabi ko kay Lei na nakatayo rin sa tabi ko.


Niyaya ko na sana siyang umalis, subalit bigla niyang hinawakan ang doorknob. Pinihit niya ito pabukas, kaya nakita naming hindi naman pala 'yon naka-lock.

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon