Chapter 35
[Vianca's POV]
"Let's go. We're not supposed to be here." Bigla akong kinabig ni Mitsui sa siko at balak niya sana akong hilahin papaalis.
"Teka lang," protesta ko. Tinanggal ko ang kamay niya at tumingin ako kay Madame at sa mga bagong dating na bisita. Nakita kong kapwa sila nagulat sa inasal niya.
"I said we need to get out of here. Hindi na sana tayo pumunta kung alam kong nandito rin sila." Ako ang kausap niya, ngunit sa madrasta at tatay niya siya nakatingin. May bakas ng pagkamuhi sa kanyang mga mata. Maging ang isang palad niya ay mahigpit na nakakuyom at nanginginig sa galit.
Nang mga sandaling iyon, nagsalita ang babaeng umano'y stepsister niya. "Kuya Mitsui, kung may kailangan mang umalis sa atin, kami 'yon at hindi ikaw. Kayo ang tunay na pamilya. Let's go, Ma. Umuwi na po tayo." Hinawakan nito sa braso ang ina at akmang yayayain na pauwi.
"Walang sinumang aalis, unless I say so. This is my house, so I will decide who among you will leave." Pumagitna na si Madame Sofia sa mainit na sitwasyong aming kinalalagyan. "Mitsui, follow me. We need to talk," mariing utos nito kay Mitsui.
Labag man sa kalooban niya ay wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa lola niya.
Pumasok sila sa isang silid kung saan padabog niyang isinara ang pinto na siyang lumikha ng malakas na ingay sa buong kabahayan.
"Until now, your son still doesn't know how to control his temper." Bumalik ang atensyon ko sa sarkastikong pananalita ng stepmother ni Mitsui.
"Mommy, tama na 'yan. Kakausapin na nga ni Madame si Kuya," saway naman dito ng anak.
Kaming apat na lang ang naiwan sa living room, kaya nakaramdam ako ng pagkailang.
"Ang mabuti pa siguro samahan n'yo muna si Tito sa garden. I think he needs to breathe some fresh air." Hinawakan nito sa balikat ang ina at iginiya sa direksyon kung saan matatagpuan ang malawak na hardin ng mansyon.
Hindi na kumibo pa ang ginang at inalalayan na lang nito ang asawa sa paglalakad. Napansin ko lang na laging walang imik ang daddy ni Mitsui. Mukhang matamlay siya at para bang may iniindang karamdaman.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)
Romance[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University, she doesn't quite fit in. Hindi naman kasi siya anak-mayaman tulad ng halos lahat ng estudyanteng...