Chapter 68
[Vianca's POV]
Sa pagsisimula ulit naming dalawa ni Mitsui hindi nangangahulugan na makakalimutan ko na ang lahat ng sakit na pinagdaanan ko noon, kundi 'yon ay ang pagpapatawad at ang sumubok na muling magmahal.
Nitong huli lang naging klaro sa akin na kapag patuloy akong makukulong sa pait na dulot ng nakaraan, lalo ko lang pagkakaitan si Mitsui at ang sarili ko ng isang pagsasama na maaaring maging masaya na sa pagkakataong 'to.
Sa naging desisyon kong ito, hindi ibig sabihing binibigyan ko siya ng ikalawang pagkakataon para saktan ulit ako. Sa halip ay binibigyan ko siya ng chance na maitama ang mga nakaraan niyang pagkakamali.
Subalit kasabay ng pakikipag-ayos ko kay Mitsui, may mga taong kailangan din maisakripisyo. Isa na roon si Dwayne.
***
Kanina pa ako hindi mapakali habang nakasakay ng taxi papunta sa isang resto. Makikipagkita ako ngayon kay Dwayne para maayos na makipag-usap sa kanya.
Simula kasi nang pangyayaring isinama niya si Lei sa Monteclaro, na kung saan natuklasan ni Mitsui na may anak na kami at ibinunyag na legally married pa kami, pahirapan ko nang makontak si Dwayne.
Tinatawagan ko siya sa cell phone, pero isang beses niya lang ako sinagot. Sobrang bilis lang ng naging pag-uusap namin. Halos hindi niya na nga ako pinagsalita. Ang sabi niya, okay lang daw siya at wala akong dapat ipag-alala.
Gusto ko sanang mag-sorry sa kanya, kaya lang busy siya at kailangan na niyang ibaba ang tawag. Pumayag na lang ako. Balak ko kasing personal na lang siyang kausapin pagbalik ko sa Davao.
Kaya nga pinuntahan ko agad siya sa bahay nila pagkauwi ko galing ng Monteclaro, pero katulong lang ang inabutan ko. Ang sabi, nasa one week out-of-town meeting siya. Pagkalipas ng isang linggo, bumalik ulit ako sa mansyon nila. Ang sabi naman ng kasambahay niya, nasa three weeks official trip daw siya sa Maynila.
May kutob tuloy akong iniiwasan niya ako. Sana naman this time, sumipot nga siya. Nakausap ko na siya kahapon sa telepono at napagkasunduan naming magkita ngayon.
Alam kong masakit para kay Dwayne ang mga nangyari, at 'yon ang ikinalulungkot ko. Napakabuti ng naging pakikitungo niya sa amin ni Lei. Hindi siya nawala sa tabi ko sa mga panahong kailangan ko ng masasandalan. Isa na siya sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay ko.
Pero kailangan lang talagang magkakaroon ng maayos na closure sa amin ni Dwayne para sa pagsasaayos ng relasyon namin ni Mitsui.
Magiging sinungaling ulit ako kung sasabihin kong hindi ko na mahal si Mitsui, kasi kahit kailan hindi naman nawala ang nararamdaman ko para sa kanya.
Noong araw na umalis ako ng Maynila, tinanggap ko sa sarili kong iiwan ko siya dahil masyado na akong nasasaktan. Ngunit wala akong kasiguraduhan kung magagawa pa bang mawala ng pag-ibig ko para kay Mitsui.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)
Romance[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University, she doesn't quite fit in. Hindi naman kasi siya anak-mayaman tulad ng halos lahat ng estudyanteng...