Chapter 9
[Vianca's POV]
Matapos sandaling magpahinga dahil biglang sumama ang pakiramdam ko, bumangon na ako para asikasuhin ang mga gamit sa kwarto ko. Sinabi sa akin ni Manang Flor na nabawi ang lahat ng gamit ko mula sa holdaper noong nahuli ito ng mga pulis.
Naisipan kong mag-merienda nang bandang hapon na. Pinaghanda ako ni Manang Flor ng sandwich at mango milkshake sa isang mesa na matatagpuan malapit sa sala.
"Thank you po," pahabol ko kay Manang bago siya bumalik sa kusina. Umupo ako sa silyang nasa tapat ko at nagsimulang kumain.
Habang kumakain, tiyempo namang nag-ring ang telepono.
Tatayo na sana ako upang sagutin ang tawag. Subalit 'di sinasadyang natabig ng arm sling ko ang baso ng milkshake, kaya natapon sa akin ang laman nito at nabasa ang suot ko. "Tsk! Naku, naman oh!"
Tumigil na sa pag-ring ang telepono, kaya umakyat na lang ako sa kwarto para magbihis. Ngunit hindi ko mahubad ang blouse ko dahil sa bendang nakapulupot sa may parteng ibaba ng balikat ko.
Lumabas ulit ako ng kwarto at hinanap ko si Manang Flor.
"Manang, patulong naman po akong magbihis. Hindi ko kasi mahubad ang damit ko." Nadatnan ko siyang abalang naglilinis sa kusina.
"Bakit? Anong nangyari diyan sa suot mo?"
"Natapunan po ng mango shake."
"Gano'n ba? Sige, hija, puntahan na lang kita sa silid mo. Tatapusin ko lang muna 'to," sabi niya, kaya bumalik na ako sa kwarto.
***
[3rd Person POV]
Maagang umuwi galing sa eskuwela si Mitsui. Papasok siya ng gate nang makasalubong si Manang Flor.
"Ang aga mo yatang umuwi ngayon. Kung sa bagay, 'andito na kasi ang asawa mo," komento ni Manang kalakip ang isang makahulugang ngiti.
"Si Manang talaga. Masakit ang ulo ko, kaya umuwi ako agad," pagdadahilan niya naman.
"Oh s'ya, maiwan ko na muna kayo. Pupunta muna ako sa palengke."
Tumango lang si Mitsui bilang sagot kay Manang. Ngunit habang papasok ng bahay ay napangiti naman siya sa sinabi nito.
Tama nga naman si Manang Flor. Ngayon lang talaga siya umuwi nang maaga. Kadalasan kasi ay sumasama pa siya sa kung saan-saang lakad ng barkada.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)
Romance[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University, she doesn't quite fit in. Hindi naman kasi siya anak-mayaman tulad ng halos lahat ng estudyanteng...