Chapter 56

771K 11.9K 3.7K
                                    

Chapter 56


—After Two Weeks—


[Vianca's POV]


Nag-aayos ako ng mga gamit sa faculty room nang dumating ang co-teacher kong si Chriselle.


"Vianca, pinapapunta ka ni Madame Benedicto sa principal's office," imporma niya. Saglit lang siyang dumungaw sa may pinto at umalis din kaagad.


"Sige. Salamat," pahabol ko pa rin sa kanya.


Ano naman kayang kailangan sa akin ng principal? Na-submit ko na 'yong important documents na hinihingi nito kahapon.


Ano pa nga bang magagawa ko? Wala akong choice. Paano ba naman, two months ago nang malipat ako sa Elementary Department. Ako tuloy ang ginawang Student Affairs Coordinator ng buong school.


Tiningnan ko ang suot kong relo. Alas-nuwebe na. Mayamaya, recess na ni Lei. Dadaanan ko na lang siya pagkatapos kong pumunta sa principal's office.


Sana naman well-behaved siya sa klase kahit hindi na ako ang teacher nila. Kung sa bagay, mukha namang mabait at mahaba ang pasensiya ng pumalit sa akin.



***

Pagdating ko sa opisina, kinausap ako ng aming school administrator.


"Good morning, Ms. Hernaez," nakangiting bati ni Madame Benedicto.


"Good morning din po," ganting bati ko rin sa kanya.


Natutuwa ako dito kay Ma'am kasi kahit mukhang strikto siya sa iba, pagdating naman sa akin ay lagi siyang magiliw kung makipag-usap.


"Please have a seat." Inalok niya akong maupo sa silyang katapat ng table niya.


"I called you here, because I just want to ask a favor from you. I know you're fully aware of the extension project that we're finalizing. Right?"


"Yes, Ma'am." Tumango ako.


Ang tinutukoy niya ay ang pagpapatayo ng campus extension sa Davao del Norte. Isa 'yong bahagi ng corporate social responsibility nitong exclusive school na tinuturuan ko.


"We didn't have enough funds to continue the construction. However, thanks to this kindhearted individual who wants to give some financial support," pahayag niya. Lalong umaliwalas ang hitsura ni Madame nang banggitin ang umano'y magbibigay ng tulong sa pagpapagawa ng mga school buildings.


Napangiti rin ako.


Salamat naman dahil may mga mabubuting loob din palang nakahandang mag-donate ng pera nila para maipagpatuloy ng St. Gregory Learning School ang ipinangakong libreng paaralan sa naturang probinsya.

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon