This chapter has 3rd Person/Narrator's POV instead of Mitsui's POV.
_______________
Chapter 7
[3rd Person POV]
Alas-diyes na nang makauwi galing sa practice game si Mitsui. Pagbukas ng front door ay nakita niya si Manang Flor na naghihintay sa sala.
Galing ng Baguio, pinapunta na ito ng mommy niya sa Maynila matapos ng kasal nila ni Vianca para may mag-asikaso sa kanila maski papaano.
"Manang, gising pa kayo? Si Vianca ba tulog na?" sabi niya nang makitang mag-isa lang si Manang Flor.
He's annoyed by the fact na kailangan pa nilang magsama ni Vianca sa iisang bahay, samantalang pwede namang sa Baguio na lang ito manatili.
"Ano? Kung gano'n hindi mo siya kasama? Akala ko susunduin mo siya sa terminal?" sunud-sunod na tanong sa kanya ni Manang.
"Hindi ko siya nasundo, dahil busy ako sa game kanina. But I told her na mag-taxi na lang siya," pagdadahilan niya.
Nagsimula na tuloy mag-panic si Manang Flor. "Naku! Diyos ko! Saan naman kaya nagpunta ang batang 'yon. Hindi pa man din 'yon sanay dito sa Maynila."
Hindi naman maipagkakailang bahagya na ring nag-alala si Mitsui. Ang buong akala niya, nagawa nga ni Vianca na mahanap ang address na ibinigay niya.
Kaninang 8 p.m. pa sila huling nag-usap sa phone. Dalawang oras na ang nakakalipas, pero wala pa rin ito. Eh, halos labinlimang minuto lang naman ang biyahe mula sa bus station papunta sa bahay nila.
Kaagad na kinuha ni Mitsui ang cell phone at tinawagan si Vian, ngunit hindi nito sinasagot ang tawag. "She didn't come home. She's not picking up her phone either. It looks like something happened to Vianca. I should go and check."
Dali-dali siyang lumabas ng bahay at nag-drive patungo sa bus terminal. Magbabaka-sakali siyang baka naroon pa ang asawa.
Pagdating sa terminal, matapos sandaling mag-park ng kotse ay agad siyang bumaba at naglakad-lakad sa paligid upang hanapin ito.
After few minutes, habang nag-iikot sa mataong lugar ay bigla na lang nag-ring ang hawak niyang cell phone.
Numero ni Vianca ang nag-flash sa screen, kaya mabilis niya itong sinagot. "Hello? Where are you right now?"
"Hello, Sir, sa police station po ito," agad namang sabi ng lalaking nasa kabilang linya. "Kilala n'yo po ba si Ms. Vianca Hernaez?"
"Police station? Yes, I know her. Why? What happened?" Kinabahan siyang baka may nangyari nang masama kay Vianca.
"Base po kasi sa contact list nitong telepono niya ay kayo ang huli niyang tinawagan. Kayo na lang ang i-inform namin na nahuli na 'yong taxi driver na nangholdap sa kanya. Kung maaari ay ipaalam n'yo na lang kay Ms. Hernaez na pumunta siya dito sa presinto para mag-file ng formal complaint laban sa suspek," mahabang paliwanag ng pulis. Lalo tuloy siyang nag-aalala kung nasaan na ito.
***
Mabilis na sumakay ulit ng kotse si Mitsui at nag-drive patungo sa istasyon ng pulis. Pagdating sa presinto ay iniharap sa kanya ang holdaper. Pagkatapos umanong maholdap si Vianca ng taxi driver ay muli itong nambiktima ng ibang pasahero, pero may nakakitang pulis kaya agad na naaresto.
Inimbestigahan at tinanong nila ang suspek kung saan dinala ang pasaherong sumakay galing sa bus terminal. Ibinigay naman nito ang exact location, kaya kaagad itong pinuntahan ni Mitsui. Umamin din ang holdaper na nasaksak nito si Vianca, dahil nagtangka itong pumalag habang hinoholdap.
Makailang ulit na nagpabalik-balik ang sasakyan niya sa palibot ng eksaktong lugar kung saan iniwan ng holdaper ang asawa niya, ngunit hindi niya ito mahanap. Batid niyang marahil ay takot na takot na si Vianca, lalo pa't napakadilim ng lugar na iyon.
**********
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)
Romance[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University, she doesn't quite fit in. Hindi naman kasi siya anak-mayaman tulad ng halos lahat ng estudyanteng...