Chapter 61
[3rd Person POV]
"Avi! 'Wag mong buksan 'yan!"
Napalingon si Mitsui sa direksyon kung saan nakatingin si Dwayne. Nakita niyang si Vianca ang naroon at akmang bubuksan na nito ang backseat.
Ano bang meron sa kotse nito? Bakit pinipigilan nito si Vian?
"Surprise! Mommy, I miss you!" Tuluyan nang nabuksan ang pinto at bumaba mula sa loob ng sasakyan ang isang batang lalaki.
Kitang-kita niya nang lumapit ito kay Vianca at saka yumakap sa bewang nito.
Mommy?
Ilang segundo rin ang lumipas bago lubusang rumehistro at naproseso ng utak niya ang salitang 'yon.
'Mommy' ang tawag ng bata kay Vianca. Iisa lang ang naiisip niyang maaaring dahilan para tawagin nitong Mommy ang asawa niya.
Pero paano nangyari 'yon? Sa pagkakaalam niya, wala pa namang anak si Vianca.
Kasama nito si Dwayne papuntang Monteclaro, ngunit malabo namang maging anak ito ng karibal niya.
Isa lang ang hinala niya at kailangan niya itong makumpirma mula mismo sa kanyang asawa.
Humakbang si Mitsui patungo kay Vianca, kaya mas nakita niya ito nang malapitan. Ang isa pang 'di niya inaasahan ay nang mamukhaan niya ang naturang batang lalaki. Ito ang nawawalang bata na tinulungan niya noon. Base sa natatandaan niya ay Lei ang pangalan nito.
Huminto siya nang halos ilang metro na lang ang distansya niya sa mga ito at pinakinggan niya ang iba pang sinabi ni Lei.
"Happy Mother's Day, Mom! We came all the way here just to surprise you," masayang sabi nito habang nakayakap pa rin kay Vian.
"Vianca..." Tinawag ni Mitsui ang asawa na namumutlang lumingon sa kanya.
"Tell me, what is this all about?" tukoy niya kay Lei na ngayon ay humiwalay na sa pagkakayakap sa mommy nito.
***
Sa kabilang banda, minabuti ni Dwayne na lumapit na kay Vianca. "Avi, I'm sorry. Hindi ko na dapat isinama si Lei," nanlulumo niyang saad.
Parang pinagsakluban siya ng langit at lupa nang matuklasang hindi pa divorced sina Mitsui at Vianca. Bakit gano'n? Nagmahal lang naman siya, pero bakit sa maling tao pa? Sa may asawa pa pala.
"Dwayne, ako... ako ang dapat humingi ng tawad sa 'yo." Muli na namang tumulo ang mga luha ni Vianca.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)
Romance[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University, she doesn't quite fit in. Hindi naman kasi siya anak-mayaman tulad ng halos lahat ng estudyanteng...