Chapter 13
[Vianca's POV]
"Tsk! Paano kaya ako uuwi nito?" Problemadong napasandal na lang ako sa upuan ng kotseng minamaneho ni Ashley.
"Sorry na. Promise, 'di na mauulit." Humingi siya ng tawad sa ginawa niya.
"Aba, dapat lang. Kapag naulit pa 'to, for sure papalayasin ako ni Mitsui sa bahay at sa kalye ako pupulutin."
"Eh 'di doon ka na lang sa condo ko tumira, tapos hati tayo sa rent ah," suggest niya sa akin.
"Kahit kailan oportunista ka talaga. Ginagawa mong advantage ang problema ng ibang tao," puna ko agad sa kanya.
"Excuse me. I'm just an optimist who see things in a positive way," depensa naman niya.
"Oo na, optimist na kung optimist. Ihinto mo na lang ang kotse mo doon sa tapat ng itim na gate," utos ko nang matanaw ko na ang bahay ng mga Peterson.
"Alin? 'Yong black painted gate na may kaunting pink sa metal fence?" detalyado niyang tanong.
"Oo, 'yong black na may pink," tugon ko.
Napasipol naman si Ashley. "Blackpink in your area." Madalas talaga siyang magsalita ng mga bagay na siya lang ang nakakaalam.
"Daebak! Ang ganda pala ng house ni Mitsui." Pagkahinto ng sasakyan ay humahangang sumilip siya sa wind shield. "Buti 'di ka napapagkamalang maid diyan?"
Inirapan ko siya. "Eh, kung sapakin kaya kita diyan sa pinagsasasabi mo!"
"Chill! Ito naman, hindi na mabiro. Joke-joke din 'pag may time."
"Joke ba 'yon? Sorry, huh? Naiwan ko kasi 'yong sense of humor ko sa loob ng bahay na 'yan."
"Is that so? Sige, kunin mo muna. 'Antayin kita pagbalik mo." Mapang-uyam na ngumiti pa siya.
"Ewan ko sa 'yo! Ang tindi rin ng topak mo. Kaya ako napapahamak sa 'yo." Binuksan ko ang pinto at bumaba ng kotse niya.
Isasara ko na sana ito nang sumenyas siya. "Vian, hwaiting!"
"Tss! Ang hilig mong mag-Korean. Sige na, umalis ka na. Baka mamaya makita ka pa dito ni Mitsui, eh 'di lalong hindi ako no'n pinapasok. Sige na! Tsupi!" pagtataboy ko kay Ash.
"Heto naman! Ipagtabuyan ba ako? Lambingin mo lang kasi 'yong hubby mo kapag nagsungit na naman," aniya, sabay kindat sa akin. Ang kulit talaga niyang kaibigan.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)
Romance[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University, she doesn't quite fit in. Hindi naman kasi siya anak-mayaman tulad ng halos lahat ng estudyanteng...