Chapter 12
[Vianca's POV]
Napalitan ng lungkot ang saya na kanina'y nararamdaman ko. Kahit pa sabihing pansamantala lang naman talaga ang kasal namin ni Mitsui at hindi totoong asawa ang tingin niya sa akin, sa 'di maipaliwanag na dahilan ay nakadama ako ng sama ng loob.
"Tara na, umuwi na tayo." Hinila ko si Ashley papalayo bago pa kami makita ni Mitsui.
Pinilit ko ang sarili kong iwasto ang nararamdaman ko. Malaki ang posibilidad na hindi lang ito ang unang beses na makikita ko siyang may kasamang ibang babae. Dapat nga siguro sanayin ko na ang sarili kong nasa ganitong sitwasyon, lalo pa't wala naman talaga kaming totoong commitment sa isa't isa.
"Wait lang. Bakit ba kailangan nating umalis? Hayaan mong makita nila tayo," giit ni Ashley. Pinipigilan niya ang paghatak ko kaya lumipat muna kami ng puwesto sa isang sulok kung saan hindi kami makikita ni Mitsui.
"Ang dapat nga magpakilala ka pa sa kanila. Or kung gusto mo, ako na mismo ang mag-iintroduce sa 'yo doon sa girl! Sasabihin kong ikaw lang naman ang asawa ng guy na nilalandi niya!"
Napansin marahil ni Ash ang pagbabago ng mood ko, kaya nag-iba na rin ang timpla ng ugali niya. Ayaw niya kasing nasasaktan ako. Napaka-protective niyang kaibigan.
"Wag na... Halika na. Baka magalit pa siya sa 'kin kapag nakita niya ako dito. Baka sabihin pa niyang sinusundan ko siya, na pinapakialaman ko ang personal na buhay niya." Matamlay na umapela ako. Please lang, ayoko nang gulo.
"Aba, dapat lang dahil asawa ka niya," katuwiran niya naman sa akin.
"Pero arranged marriage lang naman 'yon," mahina kong sagot.
"Kahit arranged marriage lang ang namamagitan sa inyo, kasal pa rin ang tawag dun. Kaya nga marriage eh, ibig sabihin mag-asawa kayo. At sa kasal kailangan ng dalawang tao. Hindi ganyan na yung isa faithful, tapos yung isa umaarteng single," sermon pa niya.
Mabuti na lang at lumipat kaming dalawa sa isang gilid kung saan bihira lang ang dumaraang tao. Kung nagkataon, baka mapagkamalan pa kaming nag-aaway dahil sa mataas niyang boses.
"Nando'n na sila. Tara sundan natin." Bigla niya akong hinatak.
Nilingon ko ang lugar na kinatatayuan ni Mitsui at nakita kong nakaalis na pala sila. Wala na akong nagawa, kaya sumunod na lang ako sa kagustuhan ni Ashley.
Mukha kaming ewan habang sinusundan sila patungong parking area. "Ash, naman... para tayong stalker nito." Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong nagrereklamo.
"Hindi stalker ang tawag sa 'yo, kundi isang misis na nanghuhuli ng naglolokong asawa," pagtatama naman niya sa sinabi ko.
"Hayaan na lang kasi natin sila."
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)
Romance[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University, she doesn't quite fit in. Hindi naman kasi siya anak-mayaman tulad ng halos lahat ng estudyanteng...