Chapter 6

901K 11.1K 430
                                    

Chapter 6


[Vianca's POV]


Isang linggo pa ang lumipas at bumiyahe kami patungong Ontario. Napagdesisyunan ni Mama Angela na doon na lang kami magpakasal ni Mitsui.


Legal kasi ang divorce sa Canada. Kapag dumating ang panahong kailangan na naming maghiwalay, madali na lang ang pagdadaanan naming proseso.


Pagbalik namin ng Pilipinas ay Mrs. Andrea Vianca Hernaez-Peterson na ako. Ipinagpatuloy naman ni Mitsui ang pag-aaral niya bilang third year college student sa Southern Yale University.


Naayos na rin ang problema niya kay Lorraine. Idinahilan niyang hindi sila maaaring magpakasal dahil may asawa na siya. Noong una ay nabigla pa si Lorraine sa nalaman. Ngunit sa bandang huli, na-guilty ito at inamin kay Mr. Chua na hindi naman talaga si Mitsui ang ama ng ipinagbubuntis nito.



***

"Hello? Nasa terminal na ako ng Victory Liner bus." Tinawagan ko sa cell phone si Mitsui. "Di ba ang sabi mo, susunduin mo na lang ako pagdating ko dito?"


Lumuwas ako ng Maynila dahil na rin sa kagustuhan ni Mama Angela. Plano ko sanang magtrabaho ulit sa Baguio, pero nakiusap si Mama na samahan ko na lang si Mitsui para mabantayan ko ang mga kalokohan niya. Sa huli ay wala rin akong nagawa, kaya pumayag na lang ako.


"I'm busy. May practice game pa ako. Mag-taxi ka na lang. Just give my address to the driver, okay? I'll hang up now." Kasunod ng matipid niyang sagot ay narinig ko na ang end-tone.


Aba't binabaan ako ng tawag. Naku! Mitsui talaga!


Mas inuna pa niya ang basketball game kaysa pagsundo sa 'kin. Buti sana kung kinausap niya ako nang maayos at nag-sorry man lang siya. Pero hindi, kasi binabaan niya pa ako ng phone!


8 p.m. na kaya nagmadali na akong sumakay ng taxi. Sinabi ko sa driver ang address ng pupuntahan ko at nagpahatid ako sa bahay ng mga Peterson sa isang exclusive subdivision sa Makati City.



***

Habang nasa biyahe, napansin kong panay ang tingin sa akin ng driver sa rearview mirror. Bigla tuloy akong kinabahan.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Mayamaya pa, dinala niya ako sa isang madilim na kalsadang bihira lang ang mga sasakyan. Mabilis siyang bumaba at binuksan ang pinto ng passenger's seat.


"Miss, holdap 'to!" deklara niya, sabay tutok ng kutsilyo sa tagiliran ko. "Huwag ka nang pumalag. Ibigay mo ang pera at lahat ng gamit mo!"


Kapag minamalas nga naman! Malas na nga 'yong pupuntahan ko, malas pa ang mangyayari sa akin sa daan.


"Maawa po kayo sa 'kin. 'Wag n'yo po akong sasaktan," naiiyak na sabi ko. Pinababa niya ako sa taxi at kinuha ang mga dala kong bag, kasama ang phone at wallet ko.


"Kaya nga bilisan mo na! Akin na 'yang cell phone mo!" sigaw niya.


"Manong, parang awa n'yo na, 'wag na pati cell phone ko. Marami-rami naman pong lamang pera 'yang wallet ko." Nakiusap akong huwag na pati ang phone ko, dahil paano ko pa makokontak si Mitsui. Hindi ko pa man din kabisado ang Maynila.


"Sumasagot ka pa!" nakakatakot na bulyaw niya. Bigla na lang nagalit ang holdaper at sinaksak ako ng hawak na patalim.


Napahiyaw ako sa sakit. Mabuti na lang kahit papaano, daplis lang ang pagtama nito sa kanang braso ko.


"Akin na nga 'yan!" Inagaw niya ang cell phone ko. Pagkatapos ay kaagad siyang sumakay at pinaharurot ang taxi papalayo.



***

"Leche talaga!" Naluluha na ako sa sinapit ko makaraan niya akong iwan sa kalagitnaan ng isang madilim na lugar na wala man lang dumaraang sasakyan.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hindi ko alam kung nasaan na ako, kasi first time kong makarating ng Maynila. At higit sa lahat, wala na akong pera, dahil kinuha ng hinayupak na taxi driver na suma-sideline bilang holdaper na 'yon.


"Ano ba? Wala bang katapusan 'to, kanina pa ako naglalakad!" Unti-unti na akong pinanghihinaan ng loob.


Giniginaw at nanginginig na rin ako. Oo, sanay ako sa malamig na klima sa Baguio. Pero ang panginginig ko ay gawa ng pinaghalong ginaw, gutom, pagod, takot, frustration at helplessness na nadarama ko.


Naramdaman ko ring medyo humahapdi ang sugat na tinamo ko. Bahagya na palang umaagos ang dugo sa braso ko. Kinuha ko na lang ang panyo sa bulsa ng suot kong jeans at ibinenda ito para kahit paano ay mapigilan ang pagdurugo.


Hindi ko maiwasang sumama ang loob kay Mitsui. Kung sinundo niya lang sana ako, 'di sana nangyari sa akin 'to.


Inabot ako nang halos dalawang oras na paglalakad sa madilim na kalsada bago ako nakarating sa isang mataong lugar. May mga nakabukas na establishments sa paligid at may mga sasakyang dumadaan.


Naghanap-hanap ako ng maaari kong pagtanungan. Tamang-tama naman dahil may nakita akong ale sa may kabilang kalsada.


Tatawid na sana ako nang...


"BEEP! BEEP!" Magkakasunod na busina ang narinig ko. Pagkatapos ay bigla na lang akong nawalan ng malay at muntik pang masagasaan ng sasakyan.



***********

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon