Chapter 59
[3rd Person POV]
Tumikhim na lang si Mitsui para maagaw ang pansin ng mag-asawang lantarang naglalambingan sa harap nila ni Vianca.
Kahit kailan talaga hindi na nagbago ang kabarkada niyang si Adrian. Gagawin nito ang maski ano hangga't pwedeng maipagyabang sa kanya. Palibhasa, mula grade school pa lang sila, laging talo niya na 'to pagdating sa diskarte.
Nagtataka nga rin siya kung papaano nagustuhan si Adrian ng childhood friend nilang si Pia. Basta nabalitaan na lang niya noong nasa Amerika siya na nagpakasal na pala ang mga ito.
Bunsod ng ginawa niya ay huminto na ang mag-asawa sa pagiging sweet sa isa't isa at umayos na ng pagkakaupo.
"Aw, sorry. We forgot. 'Andiyan ka pala," nang-aasar na sabi ni Adrian kalakip ang isang malapad na ngiti sa mukha nito.
Pero mas pinili na lang niya na huwag na itong patulan.
Sige, okay lang. Mang-inggit lang sila. Once mabawi na niya si Vianca, kumpleto na rin ang buhay niya. Hindi na niya kailangang magsayang ng oras sa panonood ng masayang relasyon ng ibang tao, dahil makukuha na niya ang mismong asawa niya.
Kaya lang, sadyang ang sarap lang talagang sikmuraan ni Adrian. Ang lakas ng loob nitong inggitin siya. Porke't natuklasan ng kaibigan niya na ikinasal sila ni Vianca ngunit iniwan siya nito.
Kung hindi lang kasi nagmamatigas si Vian! Kanina habang nasa loob sila ng kwarto, naramdaman niyang nag-repond na ito sa yakap niya. 'Andoon na sana, eh. Malapit na siyang magtagumpay! Nakakainis lang na binawi pa nito at itinulak pa siya.
"Siya nga pala, kayo ba, Mitsui? Kumusta na kayo ni Ms. Vianca?" mayamaya'y tanong ni Adrian.
Hindi niya tuloy mapigilang lalong maasar. Sobrang frustrated na nga siya kay Vian, dumagdag pa ang pagiging pakialamero ni Adrian.
Nagkibit-balikat na lang siya. Alangan namang ikuwento niyang heto siya nagpapanggap na PA para lang magkaroon ng oportunidad na mas mapalapit sa asawa, na wala siyang ibang maisip na ibang paraan na pwede silang maging magkatrabaho.
Buti na lang matagal na silang walang komunikasyon nina Pia at Adrian, kaya wala silang ideya kung ano na ang naging takbo ng buhay niya. Kaya kung sakali mang mabanggit ni Vian ang tungkol sa kanyang pagiging PA, madali na lang mag-imbento ng rason kung bakit siya nauwi sa gano'n.
Naudlot ang mga itatatanong pa sana ni Adrian nang may dumating na isang babaeng may kargang baby.
"Guys, ito nga pala ang anak naming si Hani," pagpapakilala ni Pia sa baby na karga-karga nito. Maingat itong inalalayan ni Adrian na makaupo ulit sa dating puwesto.
Ramdam ni Mitsui na may kulang sa pagkatao niya sa mga sandaling iyon. 'Di hamak na mas may maipagmamalaki naman talaga si Adrian kumpara sa kanya.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)
Romance[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University, she doesn't quite fit in. Hindi naman kasi siya anak-mayaman tulad ng halos lahat ng estudyanteng...