Chapter 24
[Vianca's POV]
"Class, may good news ako para sa inyo," masayang sabi ko. Gusto kong i-announce sa kanila ang magandang balitang natanggap ko sa department kanina.
"Ano 'yon, Ma'am?" excited na tanong nila.
"According to Dean Sanchez, magkakaroon ng leadership summit na gaganapin sa Cebu. Kailangan n'yong sumama at mag-participate sa nasabing event," pahayag ko.
Biglang nawala ang excitement sa mga mukha nila nang marinig ang sinabi ko.
"Errr... Leadership summit? So boring," maarteng pintas ng isa sa kanila.
"Yeah. Aside from that, of all places why in Cebu? Why not out of the country, in the States or in Europe perhaps?" komento ng isa pang estudyante.
"Wala tayong choice for that, okay? It's an annual national event na this time ay doon gagawin. I repeat, it's a local event, not international. Kaya hindi pwede ang suggestion n'yo," saway ko sa kaartehan nila.
"Whether you like it or not, you're all required to attend that summit." Pinagdiinan kong compulsary ang pagpunta nila sa Cebu. "Otherwise, ang hindi sasama ay kailangan mag-submit ng one hundred page research paper."
"Research paper?" halos in chorus na sabi nilang lahat.
"Yes, a research paper," tumatangong ulit ko. "And I don't want a copy-pasted work from the internet," striktong dagdag ko pa.
Wala na silang nagawa kundi ang sumang-ayon na lang. Na-sense ko naman na 'yong summit lang ang ayaw nila, kasi boring daw at nakakaantok. But the fact na makakapaglakwatsa sila ng ilang araw sa Cebu, 'yon ang favorite part nila doon.
***
[3rd Person POV]
Matapos ang three hours lecture ni Vianca sa klase nina Mitsui ay aalis na sana ito. Nagkataon namang kadarating lang ni Dwayne at nagkasalubong sila sa mismong tapat ng classroom.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)
Romance[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University, she doesn't quite fit in. Hindi naman kasi siya anak-mayaman tulad ng halos lahat ng estudyanteng...