Chapter 67
[Vianca's POV]
Makaraan ang twenty minutes na biyahe ay nakarating na kami sa bahay.
"Tara, tuloy ka sa loob," alok ko kay Mitsui pagbaba namin ni Lei mula sa sasakyan niya.
Matapos niyang isara ang pinto ng kotse sa may driver's seat ay pansamantala muna siyang huminto. Parang pinagmamasdan niya ang kabuuan ng labas ng bahay.
"Is this where you live?" tanong niya.
"Obvious ba? Hindi naman kita yayain na pumasok diyan kung hindi akin 'yan," namimilosopong sagot ko kay Mitsui. Kung makatingin naman kasi siya, para bang naliliitan siya sa tinitirahan namin ni Lei.
Kahit na mas maliit ito kumpara sa bahay nila sa Maynila, maayos at komportable naman sa loob. Tahimik pa ang neighborhood. Hinuhulugan ko pa nga 'to. Nag-housing loan ako at fifteen years na may kaltas sa sweldo.
"Tutuloy ka ba o hindi? Kung ayaw mo, eh 'di umuwi ka na lang." Inirapan ko siya. Psh! Daming arte.
"Ah, yes." Napansin niya sigurong kaunti na lang at masisira na naman ang mood ko, kaya kumilos na siya. Naglakad na siya papalapit sa amin ni Lei.
Nagtungo na ako sa tapat ng doorknob. Kinuha ko mula sa bulsa ang susi at binuksan ko na ito.
Pagkabukas ko ng pintuan ay nauna na akong pumasok sa loob. Sumunod na rin sa akin si Mitsui habang hawak sa kamay si Lei.
Nang muli akong lumingon sa kanya ay nakita kong sa pagkakataong ito ay gumagala ang paningin niya sa buong kabahayan.
"You have a nice place." Ngayon naman ay parang namamangha siya. Marahil, kasi napatunayan ko sa kanya na kahit napakasimple lang ang pagkakaayos, maaliwalas naman ang ambience. Hindi gaanong masikip at well-ventilated pa.
"Sakto lang naman ang bahay na 'to para sa amin. Kaya nga dito ko na lang piniling tumira," saad ko. Baka kung sakaling iniisip niyang masyado kong tinitipid ang anak namin, dahil wala kaming masyadong luho. Baka hanapan niya ako ng playground o kiddie pool sa labas.
"Baby, sige na iligpit mo muna 'yang backpack sa room mo," utos ko kay Lei na agad namang sumunod.
"Meron kami ditong tig-isang kwarto. Doon kay Lei, at sa akin 'yong katabi," lahad ko kay Mitsui. Nakatingin kasi siyang maigi sa kwartong pinuntahan ni Lei.
"Why do you have to sleep in separate bedrooms?" nagtatakang tanong niya.
"Noong una, siyempre magkatabi kaming matulog. Kaya lang, nitong huli, nag-request siyang sana may sariling room na rin daw siya. Pinagbigyan ko na lang," paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)
Romance[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University, she doesn't quite fit in. Hindi naman kasi siya anak-mayaman tulad ng halos lahat ng estudyanteng...