Chapter 4
Continuation of Flashback
One Year Ago...
[Vianca's POV]
"Good evening po, Manang," nakangiting bati ko kay Manang Flor na siyang kasambahay ni Ma'am Angela. "Andiyan po ba si Ma'am?"
Alas-siyete na ng gabi at nasa bahay ako ng mga Peterson. Tinawagan ako ni Ma'am Angela at pinapapunta ako dito. Ang sabi niya, sa kanila na lang ako mag-dinner at may sasabihin din siyang importante sa akin.
"Lumabas lang siya sandali, pero ipinagbilin niyang 'antayin mo na lang dahil babalik din siya kaagad," sagot ni Manang habang naglalakad papalabas ng gate at may dalang trash bag. "Sige na, doon mo na lang siya hintayin sa sala. Tatapusin ko muna itong ginagawa ko."
"Okay po," magalang kong tugon. Pagkatapos ay tumuloy na ako sa loob.
Pagdating ko sa receiving area, pinagmasdan kong maigi ang kabuuan ng bahay. Ilang beses na akong nakapunta rito, pero hindi ko pa rin mapigilang mamangha sa ganda ng mga kagamitang lahat makabago at mamahalin.
Mayamaya pa, iginagala ko ang paningin sa paligid nang may napansin akong anino ng taong dumaan patungo sa dining room.
Teka, sina Manang at Ma'am Angela lang ang nakatira rito. Eh, pareho silang nasa labas ng bahay. 'Di kaya may magnanakaw nang nakapasok sa mansyon?
Hindi na ako nagdalawang-isip pa at mabilis kong sinundan ang aninong nakita ko, hanggang sa nakarating ako sa kusina.
Medyo madilim, dahil nakapatay ang ilaw at tanging liwanag mula sa ilaw sa labas ng bintana ang naroon.
Huminga muna ako nang malalim bago maingat na dinampot ang vase na nadaanan ko sa tabi ng lamesa. Plano kong ihampas ito sa ulo ng magnanakaw.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Ngunit nang makapasok na ako sa loob, bigla na lang may lalaking yumakap sa akin at tinakpan ang bibig ko.
Pilit akong nagpupumiglas, kaya isinandal niya ako sa pader.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)
Romance[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University, she doesn't quite fit in. Hindi naman kasi siya anak-mayaman tulad ng halos lahat ng estudyanteng...