Chapter 52

816K 11.2K 2.3K
                                    

Hi! Daming bagay na dapat ipagpasalamat. Isa na dun ay dahil nag #1 ang MMA both sa Humor and General Fiction What's Hot List.. Daebak! Thank you so much sa votes ninyong lahat. Hart! hart!


____________________

Chapter 52


[3rd Person POV]


"LUHAN!" Naiinis na tinawag ni Mitsui ang PA na si LuHan.


Natatarantang lumapit tuloy sa kanya ang assistant. "Teka lang, Boss. Heto na. Kung makapag-utos naman kayo. Buti sana kung IT expert ako." Bumubulong-bulong na inilapag nito sa ibabaw ng table ang laptop na pinapaayos niya.


"Are you saying something?" Tinapunan niya ng masamang tingin si LuHan.


"Ah, wala po. Gusto ko lang kayong batiin ng HAPPY VALENTINES!" biglang kambyo naman nito. Nag-wink pa ito na mas ikinaasar niya.


Sa pagkakataong 'yon ay mas gusto niyang ihagis na lang ang laptop sa pagmumukha nito.


Kaasar! Ano bang dapat niyang i-celebrate kapag Valentines? May date ba siya? Wala, 'di ba?


"Hey, LuHan. Can you just... Yes, you! Get the hell out of here!" pagtataboy niya rito. Sinenyasan niya itong lumabas na ng office bago pa maubos ang pasensiya niya.


Kapag ganito namang nag-uumpisa nang uminit ang ulo ni Mitsui ay awtomatikong nagiging alerto na rin si LuHan. Sumunod ito kaagad sa gusto niyang mangyari. Mahirap na, baka mabangasan pa ang cute nitong mukha.


Naglakad na ito patungo sa pintuan. Akmang bubuksan pa lamang nito ang pinto nang kusang bumukas iyon at iniluwal mula roon ang isang sexy at mestizang babae.


"Hello, everyone! I'm here!" masayang pambungad agad ng naturang babae.


"Zania? Anong ginagawa mo rito? 'Di ba dapat nasa Manila ka? Dito ka na rin ba in-assign?" gulat na magkakasunod na tanong ni LuHan.


Si Mitsui naman ay naisapo na lang ang mga daliri sa sentido. Panira na nga ng araw itong PA niya, may dumating pang dagdag sakit ng ulo.


"Excuse me, Luciano Hanselmo Kanfinklemier, pero hindi ikaw ang sadya ko. Hence, I don't need to answer your bunch of stupid questions," mataray na sabi nito kay LuHan. Mabilis itong nagtungo sa kinaroroonan ni Mitsui at umupo sa vacant seat na nasa tapat ng mesa niya.


"Hi, Mitsui! So how's your life going on here?"


Tiningnan niya lang ito ng isang bored look. Hindi siya interesadong mag-storytelling ng kasalukuyang takbo ng buhay niya dito sa Davao, lalo na't napakapakialamera pa naman ng kaharap niya.


"What brings you here all of a sudden?" tanong niya.

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon