Chapter 37
[Vianca's POV]
Kagagaling ko pa lang sa office ni Mama Angela matapos kong maghatid ng ilang papeles. Katulad ng nakasanayan, muli siyang nangumusta sa lagay namin ni Mitsui.
Three to four times a week kaming nagkikita sa opisina niya at palagi akong "nagre-report" ng kung anong latest happenings sa buhay naming mag-asawa. Tila mino-monitor niya kami, pero hindi naman sa paraang nanghihimasok siya sa relasyon namin. Concerned lang talaga si Mama, lalo pa't minsan ay mahirap pakisamahan ang ugali ng anak niya.
Pabalik na ako sa department namin at papunta na sana sa Economics building nang may matanaw akong pamilyar na babaeng naglalakad. Pansamantala akong huminto nang makita kong mukhang sa akin ito papalapit.
Tama nga ang hula ko, dahil ako talaga ang sadya nito.
"Hi, Vianca!" masayang bati niya sa akin.
"Oh, Mikhaela! Anong ginagawa mo rito?" Hindi ko inaasahang makikita ko sa Yale ang stepsister ni Mitsui.
"Galing ako sa St. Claire Academy to arrange my transfer papers there, and since katabi lang naman ang Southern Yale ay dumaan ako saglit. I came by and wanted to look around. Alam mo kasi madalas din ako rito dati. In fact, sa Yale High ako gumraduate bago kami pumuntang America."
"Talaga dito ka rin pala nag-high school? Eh, bakit 'di ka na lang dito sa university lumipat?" tanong ko.
"Hindi kasi sila nag-ooffer ng course na kinuha ko while I'm in the States. Meron sa St. Claire, so doon na lang ako," paliwanag niya.
Tumango ako.
"Ikaw? Wala ka bang prof ngayon?" tanong niya naman sa akin.
"Uhmm... Sa totoo lang, hindi na ako estudyante dito. College instructor ako," sagot ko sa kanya.
"Really?" hindi naniniwalang sabi niya. "Hahaha! Just kidding. I do believe you. Some educators in US are even younger than me."
Salamat naman at naniwala siya sa sinabi ko. Akala ko, kailangan ko pang ipaliwanag sa kanya.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)
Romance[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University, she doesn't quite fit in. Hindi naman kasi siya anak-mayaman tulad ng halos lahat ng estudyanteng...