Chapter 75
—After One Month—
[Vianca's POV]
Kagagaling ko lang sa HR department ng Southern Yale matapos kong mag-submit ng application papers para makapagturo ulit sa university. Papauwi na sana ako sa bahay, pero naisipan kong daanan si Mitsui sa office niya. Lunch break na, kaya gusto ko sana siyang yayain na sabay kaming mag-lunch.
Bago kasi siya pumasok sa trabaho kaninang umaga, nagkaroon kami ng medyo 'di pagkakaunawaan, kaya gusto ko sanang bumawi sa kanya maski papaano.
Nag-away kaming dalawa, dahil ayaw niya akong payagang bumalik sa teaching profession ko. Kesyo mahahati pa raw ang oras ko sa school, at sa kanila ni Lei. Ang sabi ko naman sa kanya, proper time management lang ang kailangan ko pagdating sa bagay na 'yon. Hindi naman ako kukuha ng full load, kaya maluwag ang magiging schedule ko sa pagtuturo.
"Manong, diyan na lang po ako sa PGC Main Building." Itinuro ko sa driver ng taxi ang lugar na destinasyon ko.
"Okay, Ma'am," tugon nito.
Paghinto ng sasakyan sa sinabi kong gusali ay kaagad na akong bumaba. Huminga muna ako nang malalim bago tuluyang naglakad papasok sa entrance ng malaking building.
Unang beses kong magpunta dito, kaya hindi ko pa kabisado ang pasikut-sikot sa loob. Paniguradong magugulat si Mitsui kapag nakita ako. Hindi niya inaasahang mapapadpad ako sa opisina niya.
"Good morning, Miss," bati ko sa babaeng nasa front desk.
May malaking design ng logo ng PGC na nakalagay sa may puwesto nito. Initials iyon ng kumpanya na ang ibig sabihin pala ay Peterson Group of Companies. Okay, ang careless ko talaga minsan. Hindi ko man lang napansin noong nag-donate si Mitsui ng school buildings sa Davao na 'yon pala ang meaning ng PGC.
"Good morning, Ma'am. What can I do for you?"
"Miss, saan ba dito ang office ni Mitsui Peterson?" tanong ko. Hindi ko naman kasi alam kung anong floor 'yon. Alangan namang tawagan ko si Mitsui para siya mismo ang tanungin ko. Magtataka siya kung bakit, at tiyak na hindi na siya masu-surprise sa gagawin ko.
"Ma'am, may appointment po ba kayo kay Sir? Hindi po kasi tumatanggap ng bisita si EVP kung walang prior arrangement sa kanya," kaagad na rason nito.
"Miss, wala—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Sasagot na sana ako nang tiyempo namang may dumating na isang magandang babae, dahilan upang lumipat dito ang atensyon ng kausap ko.
"Good morning, Ma'am Zania." Magalang na pagbati ng receptionist. Medyo familiar sa akin ang pangalang binanggit nito, pero hindi ko basta maalala kung saan ko iyon narinig dati.
"Mr. Romualdez called me and he said that his secretary was in a hurry, so she just left some important documents here," striktong saad ng babaeng nagngangalang Zania.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)
Romance[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University, she doesn't quite fit in. Hindi naman kasi siya anak-mayaman tulad ng halos lahat ng estudyanteng...