Chapter 5

960K 12.4K 1.5K
                                    

Chapter 5


[Vianca's POV]


"It's getting late. Mitsui, ihatid mo na si Vianca pauwi. Mas mabuti na kahit papaano, maglaan kayo ng oras para mas makilala ang isa't isa," suhestiyon ni Ma'am Angela matapos ang naganap na agreement sa bahay ng mga Peterson.


Tumabi siya sa akin sa sofa kung saan ako nakaupo. Kasunod noon ay niyakap niya ako nang mahigpit.


"Thank you much, hija. From now on, you can call me Mama. Honestly, I'm glad na magiging real daughter na rin kita," taos-puso at malambing na lahad pa niya nang humiwalay siya ng yakap sa akin.


"Opo... Ma'am... I mean, Mama," nag-aalangang sagot ko naman. Bagama't inaamin kong sa kabila ng lahat, masaya ako dahil noon pa man ay parang totoong ina na rin ang turing ko sa kanya.


Habang nag-uusap kami ay lumapit sa amin si Manang Flor. "Ma'am, may tawag po kayo galing kay Atty. Vergara. Importante raw po."


"Okay, sandali lang." Tumayo na si Mama Angela. "Anak, ihatid mo na si Vianca. Do you remember our transient house in Lourdes Proper? She's staying there. Drive safely," bilin nito bago pumanhik sa hagdan at nagtungo sa kwarto.


Si Mitsui naman na kanina pa tahimik na nakaupo at nakikinig lang sa amin ay tumayo na pagkaalis ng mommy niya. Pagkatapos ay lumingon siya sa akin.


"Guess you're happy of what my mom wants you to do. Just keep in mind that this marriage won't last long. I might flirt, but I know exactly who I want. And she is definitely not you," arogante niyang sabi.


"I won't ever be interested in you, ever." 'Di pa siya nakuntento at ipinagdiinan niya sa harap ko ang mga salitang 'yon.


Psh! The feeling is mutual. Hindi rin ako magkakagusto sa 'yo!


"Don't worry, Mitsui. I never feel anything permanent for a temporary person," sarcastic na sagot ko sa kanya. Ang dami pang sinasabi, magdi-divorce naman kami sa bandang huli.


Tumayo na ako sa kinauupuan ko at inunahan ko na siyang maglakad papunta sa labas ng bahay. Napansin kong nakasunod na rin siya sa likuran ko nang dumiretso ako sa garahe.


Pagdating naming dalawa sa parking lot, kaagad siyang sumakay sa kotse at 'di man lang ako pinagbuksan ng pinto.


Ugh! Napaka-ungentleman! Nakakaimbyerna talaga ang lalaking 'to!


Lumapit na lang ako sa tapat ng backseat. Akmang bubuksan ko na iyon nang biglang bumukas ang pinto sa front seat.


"Is this a taxi? Do you want to make me look like your driver? Sit next to me!" Tumataas na ang boses niya. Ang sama talaga ng ugali!

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon