Chapter 60

628K 10.1K 1.3K
                                    

Chapter 60


[Vianca's POV]


Mabigat ang pakiramdam ko nang magising ako dahil sa maingay na tunog ng alarm clock. Inabot ko agad ito sa may bedside table. Tsk!  Panira ng tulog.


Pagkatapos kong ibalik ang orasan sa mesa ay muli akong humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot.


Ayoko pang bumangon at gusto kong matulog ulit. Parang may hindi magandang mangyayari sa akin ngayong araw, o baka nagdadahilan lang ang katawan ko.


Wala talaga akong ganang pumasok sa trabaho. Simula nang nalipat ako dito sa Monteclaro, lagi na lang akong ganito tuwing umaga.


Nakakatamad. Hindi kagaya 'pag gusto ko ang ginagawa ko. 'Di tulad kapag nagtuturo ako sa klase.


Idagdag pa na palagi kong nakikita si Mitsui. Sinisira niya ang concentration ko. Kung anu-ano kasi ang pinaggagawa niya kapag kasama ako. Bigla na lang nang-aakbay at nangyayakap. Kung makatawag pa ng "hon" akala niya naman kami na ulit.


"Aish! Lintek naman kasing tatay mo 'yan!" Inalis ko ang kumot na nakatalukbong sa akin.


Kinuha ko ang isa pang unan sa tabi ko sabay yakap dito nang mahigpit. "Lei, miss na kita." In-imagine ko na lang na imbes na unan ay ang anak ko talaga ang kayakap ko.


Ilang araw pa lang ako dito sa Monteclaro, pero sobrang nami-miss ko na si Lei. Tumawag ako kagabi sa bahay at nakausap ko siya. Ikinuwento niya sa akin na nag-enjoy siya sa mga activities nila, lalo na't may school festival ngayong linggo.


Mabuti na lang kasi nagkataong mag-iisang taon na mula nang mag-resign si Ashley sa pagiging university instructor sa Davao City at nagtayo na lang siya ng sarili nilang boutique. Ka-partner niya sa negosyo si Ate Bernice.


Maski papaano natutulungan ako ni Ash na pansamantalang alagaan muna si Lei habang wala ako.


Napakiusapan ko siyang tumira muna sa bahay para bantayan ang anak ko. Kapag wala namang pasok sa eskuwelahan, doon muna naglalagi si Lei sa shop ng ninang nito. Kaya kahit nandito ako sa malayo, panatag ang loob ko kasi nasa tabi naman nito si Ashley.



***

Nang bandang alas-otso ng umaga ay naghanda na ako papunta sa office. Kapag nag-taxi ako, aabutin lang naman ng fifteen minutes ang biyahe mula dito sa tinutuluyan ko papunta sa site kaya hindi ko na kailangang magmadali.


Pagkalabas ko ng kwarto ay nagtuluy-tuloy na ako papunta sa labas ng gusali. Papalapit pa lang ako sa gate para mag-abang ng sasakyan nang biglang nag-ring ang cell phone ko.


Huminto ako saglit at tumabi muna ako sa isang gilid. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag.


Calling....

Dwayne

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon