Chapter 11

948K 11.1K 293
                                    

Chapter 11


[Vianca's POV]


Pagkagaling sa resto, halos buong araw pa kaming magkasama sa pamamasyal. Isinama ako ni Ashley sa mga lugar na paborito niyang puntahan. Enjoy na enjoy kami pareho, lalo pa't first bonding moment namin iyon sa Maynila.


Ang huling napagpasyahan naming gawin ay ang manood ng sine sa mall.


"Grabe, super nag-enjoy ako sa mga pinuntahan natin!" masayang sabi ko.


"Siyempre ako pa. Doon ang madalas na hang-out place namin ng mga katrabaho ko," sagot naman ni Ash habang nagda-drive ng kotse niya.


"Kumusta ba maging teacher sa isang exclusive school? Nakaka-stress ba magturo sa mga rich kids?" curious kong tanong.


Ang impresyon ko kasi sa mga anak-mayaman ay mga spoiled brats na puro kasosyalan at luho lang sa katawan ang alam. 'Yong klase ng mga taong bihira lang magseryoso sa buhay. Mga happy-go-lucky type kumbaga.


"Uhmm... sort of..." Napakibit-balikat si Ash. "Typical students nowadays. They have to nitpick on everything and talk trash behind my back. Medyo mahirap, pero carry naman."


"Buti, napapasunod mo sila maski matitigas ang ulo," komento ko.


"Depende naman kasi 'yon sa kung paano sila i-approach. 'Pag ipinakita kong kaya nila akong i-dominate por que anak-mayaman sila, eh talagang ako ang magiging submissive sa mga estudyante ko. So I always see to it na lagi silang under my authority, na never akong titiklop sa kanila."


"Naks! Bilib na talaga ako sa 'yo!" Hanga naman talaga ako kay Ashley kahit noong nasa college pa lang kami. Madalas siyang mag-excel sa class namin, mapa-academics or extracurricular activities.


Samantalang ako, sa acads lang talaga magaling. Hindi ako kagaya niyang napaka-outgoing at mahilig sumali sa mga leadership summits at kung anu-anong kaechosan sa school.


"Para-paraan lang 'yan. Oh, I almost forgot. Nabanggit ko na ba sa 'yong may plano akong lumipat ng school?"


"Hindi pa. Bakit ka naman lilipat?" Nagtaka ako sa ibinalita niya, considering na ang ganda na ng trabaho niya sa Wellington.


Ipinaliwanag naman ni Ash ang rason niya. "May nag-offer sa aking magturo sa Southern Yale. Double ang salary compared sa Wellington. Kaya nga gusto ko i-grab 'yong opportunity. Sayang din kasi no'n."


"Talaga? Sa Southern Yale University nag-aaral si Mitsui." Tingnan mo nga naman, doon pa pala siya lilipat sa eskuwelahan ni Mitsui.


"Oo nga, 'no? Eh 'di mabuti kung gano'n. Mas mababantayan ko siya alang-alang na rin sa 'yo." Babantayan niya alang-alang sa akin? Anong klaseng suggestion naman 'yon?

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon