Chapter 70

562K 8.9K 694
                                    

Chapter 70


—After Three Weeks—


[Vianca's POV]


Summer vacation na sa St. Gregory Learning School. Ibig sabihin, tapos na ang klase ni Lei at wala na rin akong pasok sa trabaho.


"Sa opening of classes ba kayo babalik dito?" tanong sa akin ni Claire, isa sa mga co-teachers ko.


Dumaan lang ako sa office para mag-submit ng final grades ng mga estudyante ko. Release na ng report cards next week, kaya kinailangan ko muna itong asikasuhin bago pa man ako umalis papuntang Maynila.


"Siguro," matipid kong sabi. Hindi ko rin alam ang sagot, dahil walang kasiguraduhan kung magtuturo pa ba ako sa SGLS pagkatapos ng bakasyong 'to. Depende 'yon sa magiging takbo ng mga pangyayari.


"Siya nga pala, Claire, sa 'yo ko na lang iiwan 'yong mga important documents sa drawer ko. Tutal, ilang araw ka pa naman magpapabalik-balik dito. 'Pag may naghanap ng mga 'yon, ikaw na lang ang bahalang magbigay," bilin ko.


"Okay. Have a safe trip na lang sa inyo ni Lei. Wala nang makulit na laging nandito sa faculty," natatawa niyang sagot. Mas bata siya sa akin ng apat na taon at parang Ate na ang turing sa kanya ni Lei.


Napansin ko na mukhang napapatagal na ang kuwentuhan namin, kaya tumingin ako sa suot kong relo.


"Alas-diyes na pala, hindi ko namalayan ang oras. May susundo nga pala sa 'kin dito sa school." Nagmamadali kong inayos ang mga gamit na dala ko. Kailangan ko nang umuwi ng bahay, dahil mamayang hapon na ang flight namin paalis ng Davao.


"I'll get going. Magkita na lang tayo ulit pagbalik ko sa June." Matapos kong magpaalam kay Claire ay mabilis na akong lumabas ng faculty room.



***

Dumiretso na ako sa parking lot kung saan nadatnan kong naroon at naghihintay na si Mitsui. Mali, hindi lang pala siya kundi pati na rin si Lei. Bumaba ng kotse ang mag-ama nang matanaw nilang papalapit na ako.


"Oh, ba't sumama ka pa sa daddy mo? Nagpaiwan ka na lang sana sa bahay. Wala ba doon si Ashley?" tanong ko kay Lei na pagkalapit ko ay hinalikan agad ako sa pisngi.


"Nando'n po. But Ninang Ash told me na sumama daw ako kay Dad," sabi nito.


Sa pagkakataong 'yon, bumaling naman ako kay Mitsui na tahimik lang na nakatingin sa amin. "Nasa bahay rin ba si LuHan?"


"Yeah, he's with Ashley," sagot niya.


Alam na! Pinagtabuyan ni Ashley si Lei para walang istorbo at masolo nito si LuHan. Mukhang tinaaman talaga nang husto ang best friend ko.

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon