Chapter 22
[3rd Person POV]
Hapon na at buong araw nang nagtuluy-tuloy ang pagka-bad trip ni Mitsui. Magmula pa ito kanina pagpasok ni Vianca.
Nasa loob pa rin siya ng klase at hinihintay ang susunod nilang professor.
Ilang sandali pa, tumayo sa gitna ang class president na si Vanessa. "Classmates, alam n'yo na bang may bago tayong prof? Nag-resign na si Ma'am Santos, kaya may bagong papalit sa kanya," announce nito.
"Talaga? Eh, sino raw?"
"Ang sabi sa department, Sir Dwayne ang pangalan."
"You mean, si Sir Dwayne del Fierro? Ang gwapo niya, besh!" Kinikilig na usapan ng mga babaeng nasa unahan ni Mitsui.
"Kilala mo?"
"Yep! Nakasalubong namin siya ng friend ko from the other block. She said, 'yon ang new teacher nila sa Accounting. Gosh, he was so cool earlier."
Hindi na lang pinansin ni Mitsui ang pinagsasabi ng mga babae. He's very sure na mas good-looking siya kumpara sa Del Fierrong 'yon.
"Our new prof is coming!" Nagmamadaling pumasok ang isa nilang kamag-aral.
"Good afternoon, everyone!" Pagbungad pa lang, kitang-kita na ang napakapoging ngiti nito. "Wow, I have a lot of students here."
"Hi, Sir!" masayang pagbati ng buong klase.
Si Mitsui naman na ngayon pa lang tumingin sa bagong dating na guro ay lalo pang na-bad trip nang mamukhaan na ito ang lalaking kausap ni Vianca sa labas ng classroom kaninang umaga.
"Hello, class. It's nice to see you. I look forward to our three months together," sabi ni Dwayne. Hindi inaasahan ni Mitsui ito ang magiging bago niyang instructor.
"Let me introduce myself first. You can just call me Sir Dwayne. From now on, I'll be in charge of the rest of this course because Professor Santos, who taught Fundamentals of Accounting, retired unexpectedly for personal reasons. I'm a CPA by profession, so I hope nobody will doubt my ability in teaching you this subject," mataas ang kumpiyansa sa sariling pakilala nito, sabay tingin sa direksyon kung saan siya nakaupo.
Siyempre, hindi rin magpapatalo si Mitsui. Alam niyang siya ang pinapatamaan ng bagong prof, kaya bilang kapalit ay binigyan niya ito ng masamang tingin.
He simply didn't like that guy for unknown reasons.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)
Romance[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University, she doesn't quite fit in. Hindi naman kasi siya anak-mayaman tulad ng halos lahat ng estudyanteng...