Chapter 41

806K 9.3K 1.4K
                                    

Chapter 41


[Vianca's POV]


"Sorry na... Please, patawarin mo na ako. Nagsisisi na talaga ako," nakayukong paulit-ulit na sabi ni Ash.


Pagkagising ko pa lang dito sa infirmary, ganyan na ang drama niya. Paano ba naman, nadulas daw siya at nasabi niya kay Mitsui na buntis ako.


Tsk! Kahit kailan wala talaga akong maaasahang maganda sa madaldal na bibig ni Ashley.


"Tumahimik ka na nga! Kanina ka pa sorry nang sorry diyan. Wala na 'yang magagawa kasi tapos na. Nangyari na ang nangyari," naiinis na saway ko sa kanya.


Wala nang silbi ang paghingi niya ng tawad, dahil huli na ang lahat. Alam na ni Mitsui ang totoo. Maliban pa doon, hindi ko naman magawang magalit sa kanya dahil nakikitira ako ngayon sa condo niya.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Halika na, bumalik na lang tayo sa trabaho. May klase pa tayo." Bumangon na ako mula sa kinahihigaan ko.


"Hoy, teka!" Napatayo si Ashley sa upuan niya. "Magtatrabaho ka pa sa lagay mong 'yan? Umuwi ka na lang kaya muna sa bahay?"


"Ash, okay na ako. Dala lang ng pagbubuntis ko ang pagkahilo ko. 'Di ba sabi pa nga ni Doc maayos na ang lagay ko?"


Alam ng doktor ang tunay kong kondisyon. Siyempre, kinailangan kong aminin na buntis ako. Pero ayos lang naman iyon, dahil tiniyak nitong magiging confidential ang records ko.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Sige na nga, ikaw ang bahala." Sa wakas ay tumigil din si Ashley sa pagpupumilit na umuwi na ako.

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon