Chapter 51

813K 12.6K 2.2K
                                    

Chapter 51 


Earlier that day...


[Vianca's POV]


"Mom, hurry up!" Naiinip na tinawag ako ni Lei na kasalukuyang naghihintay sa labas ng bahay.


Tsk! Masyado talagang maikli ang pasensiya nitong anak ko. Mukhang sa kamalasan ay sa ama pa yata namana ang pagiging impatient niya.


Dinampot ko sa sahig ang isang eco-bag na may mga school paraphernalia na kailangan kong dalhin sa eskuwelahan ngayong araw. Bago ako tuluyang lumabas ng pinto, dinaanan ko rin 'yong lunchbox ni Lei na naiwan niya sa ibabaw ng couch sa sobrang pagmamadali.


Paglabas ko ng bahay ay agad namang sumalubong sa akin ang nakasimangot na mukha ng anak ko. Nakatayo siya sa harap ko at halatang inip na inip na ang hitsura.


"Ikaw bata ka, tigil-tigilan mo nga ako. Ano? Gusto mo na namang mag-tantrums? Puwes, hindi ngayon ang time para diyan," saway ko sa kanya. 


Parang carbon copy si Lei ng tatay niya—isang little Mitsui.


Sa oras na magmaktol siya, mahaba-habang paglalambing ang kailangan kong gawin. Pero sa ngayon, hindi ko planong kunsintihin ang pagiging spoiled niya sa pagmamahal ko dahil pareho kaming nagmamadali.


"Halika ka nga rito." Marahan kong hinila ang braso niya palapit sa akin. Yumuko ako at saka ko inayos nang kaunti ang nagusot niyang PE uniform.


"Mamaya mag-behave ka doon sa mga pupuntahan ninyo. 'Wag na 'wag kang malikot at sumunod ka lang kung nasaan si Teacher Pam," bilin ko kay Lei. Kasama siya sa educational trip ng mga classmates niya at si Ms. Pamela na kapwa pre-school teacher ko ang in-assign ng principal na mag-chaperone sa kanila.


Noong una, ayaw ko pa sana siyang payagang sumama, dahil ano naman ang gagawin ng isang four-year old na bata sa mga lugar na pupuntahan nila. Kaya nga lang, sadyang mapilit si Lei. Ako naman bilang isang masunuring ina sa sunod-sa-layaw na anak, napa-oo na lang.


Ilang minuto pa ay narinig na namin ang magkakasunod na busina ng sasakyan ni Ashley sa labas ng gate. Araw-araw niya kaming dinadaanan sa bahay para makisabay sa kotse niya papasok sa school.


"Oh, 'andiyan na si Ninang Ash!" Dali-daling inagaw ni Lei ang lunchbox na hawak ko at mabilis na tumakbo papunta sa labas. Habang ako naman ay sumunod na rin sa kanya papunta sa kotse.



***

"Hi, my cute baby boy! Are you excited na sa field trip n'yo?" Pagkaupo ko pa lang sa passenger's seat ay bumungad kaagad sa akin ang maaliwalas na atmosphere na dala ng masayahing si Ash.


"Yes, Ninang! I didn't even get to sleep well last night," masiglang sagot naman ni Lei. Pumuwesto siya sa backseat at tuwang-tuwang nakipagkuwentuhan habang nagda-drive si Ashley.

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon