Chapter 54

770K 10.7K 1.8K
                                    

Happy 5M reads! Thanks po.. Continue voting lang! ^_____^ By the way, chapter 54 na tayo, pero may iba palang hindi pa alam ang right pronunciation ng name ni Mitsui.

At yun po ay 'MIT-SU-WI'... Okay? Mitsui, as in yung character sa anime na Slam Dunk. :))))

_________________

Chapter 54

[3rd Person POV]

Naiinis na nagmartsa papunta sa isang bakanteng mesa si Ashley habang magkahawak-kamay sila ng inaanak niyang si Lei.

"Nakakapikon, huh! Sa ganda kong 'to mapapagkamalan lang akong nanay. Mukha ba akong manang? Grrr! "

"Ninang, are you alright?" nagtatakang tanong ng bata sa kanya. Tumingala ito matapos niya itong paupuin sa isang silya.

"Of course, I am." Ngumiti siya nang pilit upang hindi nito mahalatang pissed off na naman siya.

"Oh, baby, kumain ka lang diyan nang kumain. Don't mind your pretty ninang." Inilapag niya ang plato na puno ng paboritong pagkain ni Lei at saka siya umupo sa katabing silya nito.

"Syete, ang cute pa naman sana ng LuHan na 'yon. Medyo tanga lang." Bad trip na napahalukipkip na lang si Ashley sa kanyang upuan.

Ilang sandali pa, kasalukuyang pinapanood niyang kumakain si Lei nang bigla na lang dumilim ang buong paligid bunsod ng biglaang pagkawala ng mga ilaw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ilang sandali pa, kasalukuyang pinapanood niyang kumakain si Lei nang bigla na lang dumilim ang buong paligid bunsod ng biglaang pagkawala ng mga ilaw.

Mga tatlong minuto rin ang lumipas bago muling bumalik ang kuryente. At saktong pag-switch on ulit ng mga ilaw ay nakita niyang nasa ibabaw na ng stage sina Dwayne at Vianca.

Napangiwi siya nang makita ang dalawa. "Ang epal talaga ng Daddy D mo," mahinang sambit niya.

Hinawakan niya sa balikat ang katabi niyang si Lei na patuloy lang sa pagkain at 'di alintana na ang mommy nito ay nasa unahan na pala.

Tsk! Tsk! Ang epal talaga ni Dwayne. Ilang buwan pa nga lang nitong nagiging girlfriend si Vian, pero niyaya na kaagad magpakasal.

Hindi na siya nagulat sa mga nasasaksihan. Last week pa lang ay ipinaalam na sa kanya ni Dwayne ang mga plano nito. Kabilang na ang balak nitong marriage proposal.

Pumayag naman siyang makipagkasundo rito. Sa mga nagdaang taon, nakita niya rin na pursigido ito sa nararamdaman nito para sa best friend niya.

Bagaman may pagka-feelingero si Dwayne, 'di hamak na mas mabuting tao naman ito kumpara kay Mitsui. At isa 'yon sa mga dahilan kung bakit nakipag-cooperate siya sa surprise na gusto nitong mangyari.

Nais niyang tulungan ni Dwayne si Vian na magsimula ulit at tuluyan nang kalimutan ang nakaraan nito. Matalik niyang kaibigan si Vianca at gusto niyang maging masaya na ito.

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon