Chapter 69
[Vianca's POV]
Alas-kuwatro na ng hapon. Pauwi pa lang ako galing sa eskuwelahan nang daanan ako ni Ashley.
Hindi na namin kasama si Lei, dahil kaninang tanghali pa siya sinundo ni Mitsui. Mamamasyal daw ang mag-ama. Half-day lang naman ang pasok niya sa klase kaya pinagbigyan ko na.
Kasalukuyan kaming nasa biyahe pauwi sa bahay, kaya ikinuwento ko na rin kay Ash ang ipinagtapat sa akin ni Dwayne.
"Akalain mo nga naman. May sakit palang gano'n," hindi makapaniwalang sabi ni Ashley habang nagda-drive.
"Ano nga 'yon? Pro-proso... pros—" Hindi niya kaagad mabigkas ang tawag sa sakit ni Dwayne.
"Prosopagnosia." Sa ikaapat na beses ay inulit ko na naman iyon sa kanya. Ngayon niya pa lang kasi ito napakinggan, kaya nahihirapan pa siyang i-pronounce.
"Okay. Prosopa... pro... ano nga ulit?" Napakamot na lang siya ng ulo.
"Prosopagnosia nga. Ang kulit nito!" Napaismid ako sa bagal niyang makuha ito nang tama. Eh, samantalang wagas siya kung makakanta ng Korean songs. Akala mo naman, naintindihan niya ang lyrics.
"Oo na! Sorry kung slow ako pagdating sa ganyan. When it comes to medical terms, 'Overdose' lang ang alam ko." Humagikgik pa siya pagkatapos nun. Nakakapagtaka lang, ano naman kayang ibig sabihin niya dun?
"🎶Someone call the doctor! Too much, it's you. Your love, this is overdose!🎶 " Bigla pang kumanta si Ashley.
Sa ginawa niyang 'yon, awtomatikong alam ko na kung anong ibig niyang sabihin.
Napabuntong-hininga na lang ako. "Haay! Kailan ka ba titino?"
"Why? Matino naman akong kausap, huh?" Tinatanong niya pa yata ang opinyon ko. Obvious naman ang sagot, 'di ba?
"To be honest, kung meron mang ganyang disorder. How I wish na kapag nagpunta ako sa Korea magkaroon niyan kahit isa sa mga Kpop boyfies ko. Yung tipong mapapagkamalan niyang ako ang first love niya. Ayieee! To the highest level ang swerte ko 'pag nangyari 'yon!" Ang lapad ng pagkakangiti ni Ashley. Ang tindi talaga ng topak ng babaeng 'to.
"Tsk! Puro ka kalokohan." Napapailing na lang ako sa landi ng kaibigan ko.
"Well, it's not impossible to happen. Si Brad Pitt nga na nasa Hollywood nagka-face blindness, although 'di masyadong malala. What more 'yong magiging bf ko? Mayroong at least 0.01 percent probability na mangyari ang bagay na 'yon. At panghahawakan ko ang pag-asa kong 'yon," hirit pa rin niya. Ayaw talagang magpatalo. Gusto pa yata niyang lumevel kay Angelina sa kagandahan.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)
Romance[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University, she doesn't quite fit in. Hindi naman kasi siya anak-mayaman tulad ng halos lahat ng estudyanteng...