Chapter 49
[3rd Person/Narrator's POV]
Kalahating oras pa lang ang nakakalipas nang lumapag sa airport ang eroplanong galing Amerika. Mula sa arrival area ay lumabas ang isang pamilyar na lalaki. Kapansin-pansin ang malaking ipinagbago sa tindig niya. Mas nag-mature ang hitsura niya kumpara noon.
Halos apat na taon na ang nakakaraan nang umalis ng bansa si Mitsui at nagtungong Amerika upang doon ipagpatuloy ang pag-aaral. Marahil, iyon ang nagbigay sa kanya ng bagong pananaw sa buhay.
"Maligayang pagbabalik po, Sir Mitsui." Sinalubong siya ng bagong family driver na si Mang Lino.
Tumango lang siya at ibinigay ang dalang mga bagahe. Dumiretso siya sa naka-park na kotse at kaagad na sumakay sa backseat nito.
Pagkatapos namang mailagay sa compartment ang mga gamit niya ay mabilis ding sumakay ang driver at minanehong paalis ang sasakyan.
***
"Sir, pagpasensiyahan n'yo na. Matindi talaga ang traffic tuwing ganitong rush hour." Nakatanaw si Mitsui sa labas ng nakahinto nilang kotse nang muling magsalita si Mang Lino.
Nakatingin ang matandang lalaki sa rearview mirror nito at kinakausap siya. Ngunit, ni sulyapan man lang ay hindi magawa ni Mitsui. Abala kasi niyang pinapanood ang mga elementary students na nagsisilabasan pa lang sa gate ng isang private Catholic school.
Ilang saglit pa ay naagaw ang pansin niya ng mag-inang naglalakad din pauwi mula sa naturang paaralan. Sa tantiya niya, nasa five years old pa lamang ang bata. Siguro ay nasa kindergarten pa lang ito.
Kitang-kita ang napaka-cute na mukha ng bata habang nakahawak ito sa kamay ng nanay nito.
Mitsui smiled bitterly. Kung nabuhay lang sana ang anak nila ni Vianca, malamang kasing-edad na ng batang lalaking iyon. Marahil ay masayang nag-aaral na rin ito.
Ipinilig niya ang ulo nang muling bumalik sa alaala niya ang lahat ng nangyari sa nakaraan—kung gaano siya nagpakagago at paanong nawala ang lahat sa kanya.
***
—FIVE YEARS AGO—
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)
Romance[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University, she doesn't quite fit in. Hindi naman kasi siya anak-mayaman tulad ng halos lahat ng estudyanteng...