Chapter 48
—FIVE YEARS AGO—
[Vianca's POV]
Nang magising ako ay nasa isang kulay puting kwarto na ako. Ilang beses ko ring ikinurap ang mga mata ko hanggang sa luminaw ang paningin ko.
Pamilyar na sa akin ang lugar na 'to, dahil halos mag-iisang buwan pa lang ang nakakalipas nang manggaling ako rito. Ang kaibahan nga lang ay ramdam ko ngayon ang matinding sakit ng katawan.
Pinilit kong itaas ang kaliwang braso ko at nakita kong puro galos at pasa pala ito. Napahawak ako bigla sa leeg ko. Saka ko lang napansin na may suot pala akong neck brace.
Sinubukan kong alalahanin kung bakit nandito na naman ako sa ospital. Ilang saglit pa ay unti-unti nang bumalik sa memorya ko ang lahat.
Mapait akong napangiti. Hindi ko akalaing mabubuhay pa pala ako.
Hindi ko alam kong dapat ko bang ipagpasalamat na nakaligtas ako o ikalungkot na nadugtungan pa ang buhay kong puro na lang kamalasan.
Tumingin ako sa paligid nang makita kong bumukas ang pinto. Bumungad mula roon si Ashley na bakas na bakas sa hitsura ang labis na pag-aalala.
Nakita niyang nagkamalay na ako, kaya patakbo siyang lumapit sa akin.
"Naku! Vian, salamat sa Diyos! Gising ka na!" Napalitan ng saya ang mukha niya. Halatang nakahinga na siya nang maluwag nang makitang gising na ako.
Tumango lang ako nang bahagya sa kanya. Nangilid ang luha sa mga mata ko nang hawakan niya ang isang palad ko.
"Kung alam mo lang, sobra akong nag-alala sa 'yo."
Tuluyan nang pumatak ang luha ko nang makita kong umiiyak na rin siya. 'Di tulad ko, malakas ang loob niya kaya hindi ako sanay na nakikitang umiiyak din siya.
"Tama na. Makakasama sa 'yo ang maging emosyonal, baka mabinat ka." Siya na mismo ang nagpunas ng mga luha sa pisngi ko.
Hindi ko magawang makapagsalita. Nagi-guilty ako na nasasaktan din siya nang ganito. Hindi ko man lang inisip kung anong mararamdaman niya kung sakaling namatay nga ako sa ginawa kong suicide attempt.
Pinairal ko lang ang pagkamakasarili ko. Hinayaan kong talunin ako ng sobrang desperasyon sa buhay at kinalimutan kong kahit papaano ay may nagmamalasakit pa rin sa akin na kagaya ni Ashley.
Hinayaan ko lang ang sarili kong lamunin ng sama ng loob na dala ng natuklasan kong relasyon nina Mitsui at Mikhaela.
"Ash, gusto kong malaman kung anong nangyari?" tukoy ko sa lahat ng naganap matapos ng aksidenteng iyon.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)
Romance[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University, she doesn't quite fit in. Hindi naman kasi siya anak-mayaman tulad ng halos lahat ng estudyanteng...