Chapter 42

805K 13K 1.8K
                                    

Chapter 42


[Vianca's POV]


Makalipas ang isang oras, pumasok na ako sa klase para magturo. Pagdating ko pa lang sa loob ay nagsiayos na sa upuan ang mga estudyante.


"Good morning, Ms. Vianca!" sabay-sabay nilang bati sa akin.


Tumango lang ako at sinuyod ng tingin ang kabuuan ng classroom. Siyempre, isa lang naman ang hinanap ko sa kanila. Walang iba kundi si Mitsui.


Katulad ng dati, nakita ko siyang nakaupo sa likod katabi sina Adrian at Karl. Mukhang busy siya sa paggamit ng cell phone at wala sa akin ang atensyon niya. Kung alam ko lang, si Mikhaela na naman ang pinagkakaabalahan niya.


Nag-uumpisa na namang uminit ang ulo ko, kaya minabuti kong magsimula na ng discussion.


"Class! Listen to me!" Hinampas ko nang malakas ang table kaya nagulat ang mga students ko.


"Once I'm standing here in front of you, I don't want to see anyone who is not paying attention to me! Concentrate on your lessons instead of doing nonsense things in your seats!" striktong pahayag ko sa kanila.


"Hala! Bad mood si Ma'am. Umayos na tayo," mahinang sabi ng isa sa kanila, pero nakarating pa rin iyon sa pandinig ko.


Sinulyapan ko si Mitsui at nakita kong itinago na niya ang hawak na phone, kaya hindi ko na siya ulit pinag-aksayahan ng oras at nagsimula na akong mag-lecture.


"Let's get started. Class, who among you can enumerate the different errors of perception that I mentioned in our past meetings?"


Naglakad ako sa unahan para maghanap ng gustong sumagot. Karamihan naman sa kanila ay nagtaas ng kamay.


"Yes, Trisha?" tawag ko sa babaeng nakaupo sa gitnang bahagi ng klase.


Tumayo siya at confident na nag-recite. "Ma'am, the different errors of perception are: the primacy, recency, halo effect, and the projection bias."


"Good." Nginitian ko siya. "Now, can you give me an example of the halo effect?" karagdagang tanong ko.


"Uhm..." Pansamantala siyang nag-isip ng maisasagot. "An example is the perception that beautiful girls are usually dumb and stupid."


"Oh, nice example. Can you explain it further to us?" utos ko.


Kinuha niya ang notebook at binasa ang nakasulat dito. "According to the halo effect, the general impression of a person based on one prominent characteristic taints the perception of the other characteristics of that person."


Ibinaba na niya ang hawak na notebook at muling nagsalita. "Usually kasi kapag nakakakita tayo ng magandang babae, we have this stereotype na hindi siya matalino. In the same way that nerds are believed to be intelligent people."

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon