Chapter 80

880K 8.9K 719
                                    

Chapter 80


[Vianca's POV]


"Best wishes, Vian! Have a great married life, okay? All this time, you've really gone through a lot. I hope you're happy." Sa huling pagkakataon ay niyakap ako ni Ashley. Pagkatapos ay lumayo na siya sa akin.


Huminga muna ako nang malalim bago pumihit paharap at naglakad patungo sa kinaroroonan ng altar.


Isang engrandeng surprise wedding ang kasalukuyang nagaganap at hanggang ngayon ay hindi pa rin lubusang nagsi-sink sa isip ko ang mga nangyayari.


Kasabay ng dahan-dahan kong paglalakad ay narinig ko ang pagtugtog ng aming wedding song. Napatingin ako sa gilid ng altar kung saan naroon ang mga lalaking naka-tuxedo habang tumutugtog ng piano at violin.


Maganda ang pagkakaayos ng floral decorations sa paligid. Pumares ang kulay nito sa nagkalat na rose petal sa red carpet na nilalakaran ko.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hindi ko napansin ang mga iyon kanina, dahil na rin sa sobrang kinakabahan ako. Ang akala ko sina Dwayne at Abby talaga ang ikakasal. Wala akong ideya na kaming dalawa na pala ni Mitsui.


Makaraan ang ilang sandali ay nagawa ko nang makita ang lahat ng mga bisita. Masayang-masaya sila para sa amin. Magkasama sina Abby at Dwayne. Si Zeke naman ay katabi na ngayon si Althea. Dumalo rin pati sina Pia at Adrian.


Ipinagpatuloy ko ang paglalakad habang nakangiti sa bawat panauhing madadaanan ko. Naroon ang mga malalapit kong kaibigan. At higit sa lahat, naroon ang mga importanteng tao sa buhay ko — sina Lei at Mama Angela.


Ilang hakbang na lang ang layo ko mula sa altar nang dumako ang paningin ko sa lalaking naghihintay sa akin. Ang lalaking pinakamamahal ko. Si Mitsui.


Nakangiti siya habang nakatitig sa akin. Halatang hindi niya maitago sa kanyang mukha ang sayang nararamdaman niya habang papalapit ako, at ganoon din ang nadarama ko.


Nang makarating na ako sa kinatatayuan niya ay bumilis ang tibok ng puso ko nang hawakan niya ang isang palad ko.


"You look stunning in your dress," sabi niya na mas lalong nagpalakas ng kabog sa dibdib ko. Ang gwapo ng asawa ko sa suot niyang tailored royal blue suit.

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon