Chapter 46
[Vianca's POV]
"Get yourself together. Ilang araw ka nang ganyan. Hindi ka naman sanay uminom!" naiinis na sermon sa akin ni Ashley nang madatnan niya akong umiinom ng alak sa loob ng kwarto.
"Kaunti lang naman 'to," reklamo ko. Hatinggabi na pero hindi pa ako dinadalaw ng antok, kaya gusto kong uminom para madali akong makatulog.
"Wag na nga tayong maglokohan. Tama na 'yan!" saway niya ulit sa akin.
"I understand what you're going through, but please tulungan mo naman ang sarili mong muling makabangon. You need to get a grip of reality. Humanap ka ng ibang lalaking mas karapat-dapat sa bawat ngiti at luha mo. Higit sa lahat, 'yong worth it sa puso mo at kayang tumbasan ang pagmamahal mo!" Nakapamaywang na tumayo siya sa harap ko.
"You should forget him now. You already signed those divorce papers, kaya legally ay hiwalay na kayo ni Mitsui. Wala na siyang pakialam sa 'yo. Kalimutan mo na siya, dahil hindi ka niya kayang pahalagahan. You deserve a man who will value and treat you the way you want to be treated, so don't settle for anything less. You have to forget your feelings and remember what you deserve para hindi ka na masaktan."
Dahil sa mga sinabi ni Ashley ay nangilid na naman ang luha sa mga mata ko.
Nakita niya marahil na nagiging emosyonal na naman ako, kaya lumapit siya sa akin. "That's enough. Halika na. Matulog ka na." Inagaw niya ang wine glass na hawak ko at inalalayan niya ako patungo sa kama.
Pakiramdam ko ay nagi-guilty ako kapag nakikita ko kung gaano siya sobrang supportive na kaibigan. Parati siyang nag-aalala sa kalagayan ko, pero hindi ko man lang siya magawang suklian nang wasto.
Niyakap ko na lang si Ashley. "Pagpasensyahan mo na ako. Sana 'wag kang magsawa sa 'kin. Ikaw na lang talaga ang masasandalan ko."
"Sshhh... It's okay... Don't worry, hindi kita papabayaan. Malalagpasan mo rin ang lahat ng 'to basta maniwala ka lang sa Diyos. Hindi ka Niya bibigyan ng pagsubok na 'di mo kakayanin," lahad niya habang hinahaplos ang likod ko.
Niyakap ko siya nang mas mahigpit. "Oo, alam kong hindi ako bibigyan ng Diyos ng problema na sa tingin Niya ay hindi ko kaya. Pero sana naman hindi Siya masyadong nagtiwala na kakayanin ko nga 'tong lagpasan," desperadong sagot ko kay Ashley.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)
Romance[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University, she doesn't quite fit in. Hindi naman kasi siya anak-mayaman tulad ng halos lahat ng estudyanteng...