Chapter 57
[Vianca's POV]
"Mommy!"
Awtomatiko akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Lei. Nasa kusina ako at kasalukuyang naghahanda ng tanghalian, habang siya naman ay galing sa kwarto.
"Oh, bakit?" tanong ko. Kinuha ko sa lalagyan ang kitchen knife at chopping board. Inilapag ko ang mga iyon sa lamesa bago ko siya muling hinarap.
"Mom, today is March 27." Pagkalapit sa akin ni Lei ay niyakap niya ako sa bewang.
Isinubsob muna niya ang mukha sa suot kong apron bago muling tumingala at ipinagpatuloy ang pagsasalita. "Few days from now, Daddy will have their group comeback," masayang balita niya.
Sa halip na matuwa ay napangiwi ako nang makita ko ang bakas ng matinding anticipation sa mukha ng anak ko.
Ang tinutukoy kasi nito ay ang comeback album ng Infinite sa first week ng April 2014. Hindi sa fangirl ako ng grupong 'yon, pero sa dalas ng paulit-ulit na ito ang bukambibig ni Lei, halos kabisado ko na ang impormasyong may ila-launch na bagong music album ang group na kinabibilangan ng kunwaring ama nitong si L.
Tsk! Isa lang ang gusto kong sisihin sa bagay na 'yan. Walang iba kundi ang baliw kong kaibigang si Ashley.
"Helloooooo! Anybody here?!" Speaking of Ash, heto kadarating lang niya.
"Ninang Ash!" Bumitaw na sa pagkakayakap sa 'kin si Lei at patakbong sinalubong ang ninang nito.
Pagbalik nito ay magkahawak-kamay na ang dalawa. "Mom, I'm really excited to see Dad. I bet their live performance in M! Countdown will be a blast!"
Ang lawak ng ngiti ng anak ko. Akala ko pa naman tapos na sa ikinukuwento nito, pero may karugtong pa pala. Dahil doon ay hindi ko maiwasang pukulin ng masamang tingin si Ashley.
Bilang tugon naman ay napakamot na lang siya sa kilay. Kasunod noon ay lumuhod siya sa harap ni Lei para maging magkapantay lang sila ng bata.
"Baby... uhhmm... Listen to me... Si L... I mean..." Hirap si Ashley kung paano niya uumpisahan ang sasabihin sa inaanak.
Napag-usapan na namin noong isang araw na ipagtapat na lang kay Lei na hindi nito tunay na ama si L. 'Yon nga lang ay namomroblema rin kami, kasi paniguradong magtatanong si Lei kung sino ba talaga ang totoong ama nito.
Hindi pa malinaw kung ipapaalam ko ba kay Mitsui ang tungkol dito. Pero lumiliit na ang mundo naming dalawa. Sooner or later, tiyak kong malalaman din niya ang tungkol kay Lei, lalo pa't hindi sikreto sa eskuwelahan namin ang pagiging single parent ko.
"Ash, tama na muna 'yan," pagpigil ko sa dapat sana'y ipagtatapat niya. Tinapik ko siya sa balikat at iginiyang tumayo.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)
Romance[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University, she doesn't quite fit in. Hindi naman kasi siya anak-mayaman tulad ng halos lahat ng estudyanteng...