Chapter 8
[Vianca's POV]
Naalimpungatan ako dahil naramdaman kong bahagyang sumasakit ang kanang braso ko. Pagmulat ko ay nagising ako sa isang kulay puting kwarto.
Dahan-dahan akong umupo sa kama. Saka ko lang napansin ang isang lalaking natutulog sa tabi ng kinahihigaan kong hospital bed.
Mayamaya pa, nagising na rin siya at nakitang nagkamalay na ako.
"Oh, you're awake. How are you feeling?" Bakas sa boses niya ang pag-aalala.
"Okay na ako. Nasaan ako? Paano ako nakarating dito?" Medyo hirap pa akong alalahanin ang mga nangyari.
"Nasa ospital ka. I brought you here last night, dahil muntik na kitang mabangga."
"Ah, oo... Natatandaan ko na. Tatawid sana ako sa kalsada, kaya lang hindi ko napansin na paparating ang kotse mo." Unti-unti nang bumalik sa memorya ko ang insidenteng naganap kagabi.
"You suddenly ran on the street. I stopped my car and you collapsed before you hit my car. Don't worry, ang sabi ng doktor nawalan ka lang ng malay due to over-fatigue. She already examined your wound. Luckily, 'di naman daw masyadong malalim. Did something happen?"
Inusisa niya ako kung paano ko natamo ang sugat sa braso ko, kaya ikinuwento ko ang lahat ng nangyari mula sa pagdating ko sa terminal hanggang sa maholdap ako. Ewan, pero pakiramdam ko kasi panatag ang loob ko sa kanya.
"By the way, I'm Dwayne," pagpapakilala niya ng sarili sa akin. Kanina pa pala kami nag-uusap, pero 'di pa namin alam ang pangalan ng isa't isa.
"Can I just call you Avi?" tanong pa niya na siyang ikinakunot ng noo ko.
"Avi? Bakit Avi? Vianca ang pangalan ko." Nagtataka naman ako sa gustong itawag sa akin ni Dwayne.
"Gano'n ba? Nakita ko kasi 'tong handkerchief mo. May naka-stitch na letters AV. Hindi ko alam ang real name mo, kaya binase ko na lang sa letters na 'andito. AV... AV... so Avi na lang." Nakangiting iniabot niya sa akin ang hawak na panyo.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)
Romance[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University, she doesn't quite fit in. Hindi naman kasi siya anak-mayaman tulad ng halos lahat ng estudyanteng...