Chapter 19

917K 10.6K 799
                                    

Chapter 19


[Vianca's POV]


"Pupunta muna ako sa canteen. 'Di kasi ako nakapag-breakfast sa bahay kanina." Nagpaalam ako kay Diane.


"Sige, ako nang bahala rito. But, be sure na nakabalik ka na bago dumating si Madame Sofia. Alam mo naman 'yon," paalala niya sa akin.


"Don't worry, babalik din ako agad," sabi ko at iniwan ko na siyang mag-isa sa office. Kahit papaano, nakabisado ko na ang ugali ni Madame sa loob ng dalawang linggo kong pagtatrabaho dito.


Pagdating sa canteen, umorder kaagad ako ng makakain at nagtungo sa nakita kong bakanteng mesa.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kakasimula ko pa lang kumain nang may babaeng biglang nagsalita sa likod ko. "Miss, pwede maki-share sa table mo?"


Napalingon ako dahil sobrang pamilyar ng boses na iyon.


"Surprise!" masayang sabi niya.


"Ashley! Anong ginagawa mo dito?" Nagulat akong nandito siya.


"Siyempre, kasi magmula ngayon dito na rin ako magtatrabaho," sagot niya. Umupo na siya sa kaharap kong silya at inilapag sa mesa ang dala niyang tray ng pagkain.


"Talaga? Dito ka na rin magtatrabaho?" hindi makapaniwala kong tanong.


"Oo nga sabi. Ang kulit. Ano ka unlimited? Paulit-ulit," namimilosopong sagot naman niya.


"Ewan ko sa 'yo. Baka bumaba lang ang kalidad ng edukasyon ng Yale kapag nagturo ka dito." Ako naman ang mang-aasar ngayon.


"Well, that's what you think. But I'm going to teach them using the first hand knowledge and expertise I have. I will make them the cream of the crop of this university," pagyayabang niya. Kahit kailan hindi talaga siya magpapatalo.


"Hmmp! Eh, bakit 'di mo man lang nabanggit sa akin na dito ka na pala magtuturo? Samantalang, ang dalas nga nating mag-usap sa phone." Nagtatampong lumabi ako.

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon