Chapter 10
[Vianca's POV]
Kinabukasan, maaga akong gumising gaya ng nakasanayan. Paglabas ko sa kwarto ay nakita ko si Manang Flor na pababa ng hagdan at may dalang laundry bag. Agad ko siyang tinawag at kinausap.
"Good morning, Manang," nakangiting bati ko. "Si Mitsui po ba nasa school na?" Hindi ko kasi alam kung anong oras ba umaalis ng bahay si Mitsui.
"Oo, hija, kakaalis niya pa lang. May proyekto raw silang gagawin, kaya kailangan niyang pumunta nang maaga," sagot sa akin ni Manang.
"Gano'n po ba? Sige, pakihanda na lang po ako ng breakfast," sabi ko na lang.
Napansin ko na galing siya kanina sa bedroom ni Mitsui. Na-curious tuloy ako kung anong klase ba ang loob ng silid nito. "Manang, pwede ko po bang makita ang room niya?"
Noong una, tila nag-aalangan pa siya sa request ko, pero napilitan din siyang pagbigyan ang hiling ko. "Sige, hija, pero 'wag mo na lang sanang banggitin kay Mitsui na nagtungo ka sa kwarto niya. Isa kasi 'yon sa mga pinakaayaw niya. Iyon bang pumapasok sa kwarto niya nang walang permiso."
"Sure, ako pong bahala. Halata naman po sa personality ni Mitsui na ayaw niyang pinapakialaman ang mga gamit niya, eh."
Alam kong si Mitsui ang tipo ng taong ayaw ma-invade ang privacy. Kahit na mag-asawa na kami, batid kong mahihirapan akong mapalapit sa kanya dahil madalas na stubborn at aloof siya sa akin. Pero curious lang kasi talaga ako at gusto kong makita ang loob ng kwarto niya.
***
Pagbungad pa lang ay namangha na ako sa ganda at pagiging well-organized ng kwarto ni Mitsui.
Maganda ang modern black and white interior designs at makaagaw pansin ang malaking kama sa center part nito. Mayroon ding malaking display glass ng mga action figure collections niya.
Tsk! Isip bata. Hayaan na nga, trip niya 'yan eh.
Iginagala ko ang paningin ko sa palibot nang mapansin ko ang isang photo album na nakalagay sa ibabaw ng muwebles. Kinuha ko iyon at umupo ako sa katabing couch, saka ito pinagbubuklat.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)
Romance[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University, she doesn't quite fit in. Hindi naman kasi siya anak-mayaman tulad ng halos lahat ng estudyanteng...