Chapter 45
[3rd Person POV]
Kakalapag pa lang sa airport ng eroplanong sinakyan ni Mitsui galing Korea ay dumiretso agad siya ng Southern Yale para hanapin si Vianca.
Doon na lang siya pupunta at magbabaka-sakali kung naroon pa ang asawa. Hindi niya kasi alam kung saan matatagpuan ang condo na tinutuluyan nito. Basta ang alam lang niya ay nakikitira muna ito kay Ashley.
Ang totoo niyan, bukas pa talaga ang flight niya pauwi ng bansa. Kaya nga lang, tinawagan siya ni Ma'am Angela. Ipinaalam nito sa kanya na nagkaroon ng malaking problema nang may kumalat na eskandalo sa university sa pagitan nila ni Vianca. Dahil dito ay napauwi siya nang mas maaga.
Naglagi siya ng dalawang linggo sa Seoul para sana magpalamig muna. Tulad na rin ng sinabi ni Vian, para hanapin niya ang sarili niya. Masyadong maraming distractions sa Pilipinas, kaya pinili niyang manatili ng ilang araw sa malayong lugar upang doon siya makapag-isip nang mabuti.
***
Pagka-park ng kotse ay agad siyang bumaba upang puntahan ang asawa sa faculty room. He knows that by this time ay naroon pa ito at naghahanda pa lang pauwi.
Kakaunti na lang ang mga tao sa paligid, dahil nagsiuwian na ang karamihan sa mga estudyante.
Naglalakad pa lang si Mitsui sa school quadrangle ay nakuha na kaagad ang pansin niya ng tatlong babaeng nasa ground floor ng Tourism Department. Halatang balisa ang mga ito at may kung anong 'di pinagkakaintindihan.
Habang papalapit siya ay unti-unti niyang naririnig ang pinag-aawayan ng tatlo.
"Stupid! Bakit n'yo kasi binitawan? Hindi sana siya natumba, kung 'di ninyo 'yon ginawa!" mataray na bulyaw ng isang babae sa mga kasamahan nito.
"Jillian, just shut up! Don't blame us! In the first place, it won't happen if you didn't push her too hard," depensa naman ng kausap nito. Hindi nila namalayang nasa malapit lang si Mitsui, kaya patuloy lang sila sa pagsisisihan.
Samantala, didiretso lang sana siya at papabayaan ang mga estudyante. Wala siyang interes na pag-aksayahan pa sila ng panahon. Subalit, bigla siyang napahinto nang mapakinggan ang sumunod na sinabi ng isang babae.
"Hala.. paano na 'to? Nakakaawa talaga si Ms. Vianca. We didn't even know that she was pregnant. Paano na 'yong baby? Nakokonsensiya na ako."
Si Vianca?
Oo, ang asawa niya ang pinag-uusapan ng tatlo. At ano raw ang tungkol sa baby?
Mabilis na nilapitan ni Mitsui ang mga babae. Nang makita naman ng mga ito na naroon pala siya ay natulala sa takot ang tatlo.
"M-mitsui..." Hindi makakilos sa sobrang pagkabigla 'yong babaeng nagngangalang Jillian. Maging ang dalawang mistulang alalay lang nito ay tila napako sa kanilang kinatatayuan.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)
Romance[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University, she doesn't quite fit in. Hindi naman kasi siya anak-mayaman tulad ng halos lahat ng estudyanteng...