Chapter 32

875K 10.6K 996
                                    

Chapter 32


[Vianca's POV]


Malapit na kaming mag-lunch break. Nasa faculty room si Ashley at gusto niya sana akong yayain na magkasama kaming magtanghalian.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Dali na, bes. Minsan lang naman ako magyaya sa 'yo. At saka ililibre naman kita," pangungulit niya.


"Hindi nga pwede. Magkasabay kaming mag-lunch ngayon ni Mitsui. Baka magalit pa 'yon kapag hindi ko pinuntahan," pagdadahilan ko naman.


"Tss! Ganyan ka naman. Naging kayo lang ni Mitsui, nakalimutan mo na ang kaibigan mo." Nagtatampong lumabi pa siya.


Buti na lang at kaming dalawa lang ang nandito sa faculty room, kundi lagot sa akin ang babaeng 'to 'pag may nakarinig sa pinagsasabi niya.


"Promise, next time na lang. Hindi lang talaga pwede ngayon, kasi hihintayin niya ako sa rooftop," pangako ko kay Ashley.


"Sa rooftop? Wow, may nahanap na kayong love nest? Sikretong tagpuan pala ang peg n'yo. Ang lakas maka-forbidden affair," kantiyaw niya sa akin. "Ito gawin n'yong theme song... 🎶Why can't you hold me in the street? Why can't I kiss you on the dance floor. I wish that it could be like that. Why can't we be like that? Cause I'm yours. Why can't I say that I'm in love I want to shout it from the rooftop.🎶"


"Tumigil ka nga diyan!" saway ko naman sa kanya. "Anong akala mo sa amin, may ipinagbabawal na relasyon? Ano ako kabit ni Mitsui?" Inirapan ko siya.


"Well, hindi naman sa gano'n," depensa niya sa sarili.


Binitawan ko na ang mga nire-record kong homework sa mesa at hinarap ko siya.


"Umiiwas lang kami sa mga taong judgmental. Teacher ako, student siya. Kaya may pagka-immoral ang dating no'n. Buti sana kung katulad ng iba na 'yong lalaki ang prof. Eh sa kaso namin, siya 'yong student. Iisipin ng iba na masama akong babae, dahil pumatol ako sa estudyante ko."


Tumango siya sa katuwiran ko. "Haay.. Ang hirap naman kasi ng sitwasyon n'yo. Kahit pa sabihing magka-edad lang kayo ay parang daig n'yo pa yung sikat na singer sa TV na mayroong May-December love affair. Yung 60 years old na may asawang 16 years old."

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon