Chapter 63
[3rd Person POV]
"Hi, Boss!" Sinalubong ni LuHan si Mitsui sa may parking area.
Tumango lang siya rito. Pagkatapos ay nauna na siyang naglakad papasok ng gusaling tinutulayan niya.
Kadarating lang niya mula sa site, dahil may kinailangan siyang sandaling asikasuhin doon, habang si LuHan naman ay galing pa ng Davao City.
"Kumusta ang mga pinapaayos ko sa 'yo? Have you settled the accounts with our new business partners?" mayamaya'y tanong niya sa nakasunod na PA.
"Okay naman, Boss. Magkasama kami ni Zania na nakipagkita sa kanila no'ng isang araw, kasi nga hindi ka pwede. Sinabi ko na lang na busy ka, kaya 'di ka available makipag-meeting," sagot ni LuHan.
"Good. Expect an incentive from me then," sabi niya na lubhang ikinagulat naman nito.
"Totoo, Boss?" Sa sobrang galak ay mabilis itong humakbang patungo sa unahan niya.
Humarang si LuHan sa harap niya, kaya napahinto siya sa paglalakad.
"Naku! Thank you! Kaya pala nangangati ang kamay ko papunta rito kanina. May pera palang nag-aabang sa 'kin dito." Tuwang-tuwa ito sa ipinangako niya at abot tenga ang ngiti nito.
"I'm doing this not only because of that business deal. It's also a way of compensating you for a job well done and for cooperating with my plans." Napakamaaliwalas ng mood ngayon ni Mitsui. Malayo sa madalas na masungit niyang pagtrato sa kanyang assistant.
Nahalata ni LuHan ang pagbabago ng ugali niya, kaya hindi nito maiwasang magtanong. "Bakit ang bait at generous ninyo? May nangyari ba? Siguro, may magandang development na sa inyo ng misis n'yo?" Umandar na naman ang pagka-usisero nito.
Hindi na lang pinansin ni Mitsui ang pagiging pakialamero ni LuHan. Masaya siya at sa tingin niya ay walang kahit anong makakasira sa mood niya.
Magmula nang malaman niyang may anak na pala sila ni Vianca, sobrang kasiyahan na ang nararamdaman niya. Naniniwala siyang si Lei ang magsisilbing susi para magkabalikan na ulit sila ng asawa.
"Uy, si Boss napapa-smile. Anong meron, ha?" nang-iintrigang tanong na naman ni LuHan.
Hindi kasi namalayan ni Mitsui na kusa siyang napangiti dahil sa mga posibilidad na tumatakbo sa isipan niya. Gano'n din sa mga positive outcomes na nagaganap matapos ang mahabang taon ng paghahanap kay Vianca.
"I already have a son." Hinawakan niya sa balikat si LuHan at ibinahagi niya rin dito ang natuklasan niya. "Tatay na ako. May anak na kami ni Vian." Sa sobrang saya, kaunti na lang at mangingilid na naman ang luha sa mga mata ni Mitsui.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)
Romance[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University, she doesn't quite fit in. Hindi naman kasi siya anak-mayaman tulad ng halos lahat ng estudyanteng...