Chapter 79
—After Two Months—
[Vianca's POV]
"Ang gwapo talaga ng anak ko. Manang-mana sa daddy." Natutuwang inayos ko ang kaunting gusot sa damit ni Lei. Ngayon na ang espesyal na araw kung kailan magiging ring bearer siya sa kasal nina Dwayne at Abby.
"Lola also told me na kamukha ko nga si Daddy when he was still young." Masaya niyang ikinuwento ang pinag-usapan noong dumalaw kay Mama Angela.
"Pero sana hitsura lang ang manahin mo kay Daddy, 'wag pati ugali." Pinaringgan ko si Mitsui na tanghali na, pero nakahilata pa rin sa kama.
Supposedly, may pasok talaga siya sa office ngayong araw. Kaya lang, tinatamad siyang magtrabaho. Ayaw niya namang sumama sa kasal ni Dwayne. Aksaya lang daw ng oras niya. Matutulog na lang siya buong maghapon.
Oh, 'di ba? Anong mabuting ehemplo ang gagayahin sa kanya ng anak namin?
"Mommy, I'm going to wait for Ninang downstairs," excited na paalam ni Lei.
"Sige, susunod din ako kaagad. On the way na raw si Ashley." Inihatid ko siya sa labas ng pintuan at pagkatapos ay binalikan ko naman si Mitsui.
Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ko siya. Nakapikit ang mga mata niya habang bahagyang nakasubsob ang mukha sa unan.
Yumuko ako at mahina kong inalog ang balikat niya. "Mamaya bumangon ka na. Ibinilin ko na kay Manang ang breakfast mo. Aalis na muna kami ni Lei... I love you, hon.." bulong ko sa kanya.
"Hmmm.." Tumango lang siya bilang sagot. Hindi man lang siya nag-abalang dumilat.
Tumayo na ako at hindi ko na siya ulit inistorbo. Siguro nga inaantok pa talaga siya. Sinulyapan ko na lang muli ang sarili ko sa salamin bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Nang makababa na ako sa hagdan ay nag-vibrate naman ang hawak kong cell phone.
Tiningnan ko agad kung sino ang tumatawag. Si Althea.
[Hello, Vianca? Andiyan ka pa ba sa inyo?]
"Oo, pero paalis na rin kami ni Lei papuntang simbahan," sagot ko sa kabilang linya.
[Vian... pwede ka bang pumunta dito sa bahay ni Abby?... M-may problema kasi si Abby, we need your help.]
May kakaiba sa boses ni Althea na hindi ko basta maipaliwanag. Para siyang takot, na nag-aalala, na ninenerbiyos.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)
Romance[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University, she doesn't quite fit in. Hindi naman kasi siya anak-mayaman tulad ng halos lahat ng estudyanteng...