Maraming salamat po sa mga bagong readers at sa mga nag-vote!
___________________
Chapter 31
—After One Week—
[Vianca's POV]
Nag-aayos ako ng mga dadalhin kong gamit para sa pagpasok sa trabaho. 'Di ko mapigilang mapangiti habang kinukuha sa bookshelf ang class record nina Mitsui.
Hindi ko maitago ang sayang nararamdaman ko, dahil ang daming magagandang pagbabago sa relasyon namin magmula nang may nangyari sa amin noong nasa barko kami.
Kinikilig ako. Feeling ko, nag-iinit ang pisngi ko sa tuwing naalala ko 'yon. Kaagad akong humarap sa salamin at nakita kong pulang-pula na nga ang mukha ko.
Sakto namang may kumatok sa pinto, kaya dali-dali akong lumapit at binuksan iyon.
Bumungad sa harap ko si Mitsui. Magandang panimula ng araw kapag ganito kagwapo ang sasalubong sa akin sa umaga.
"Shall we go?" nakangiti niyang tanong. Magkasabay kasi kaming papasok ngayon sa school. Actually, ilang araw na niya akong isinasabay sa kotse niya tuwing umaga at 'pag uwian.
Tumango ako sa kanya at binalikan ang mga gamit ko sa mesa. Binitbit ko ang mga ito at lumabas na ng kwarto.
Magkasunod kaming naglalakad papunta sa garahe nang madaanan naming nag-aabang sa main door si Manang Flor. Dumiretso na sa kotse si Mitsui, habang ako naman ay huminto muna sandali.
"Bakit po, Manang?"
"Hija, kaarawan kasi bukas ng anak kong panganay. Gusto ko sanang dalawin sila at magkaroon ng kaunting salu-salo sa bahay. Magpapaalam lang sana ako sa inyo kung pwedeng umuwi ako mamayang hapon at sa makalawa na lang ako babalik," lahad niya sa akin.
"Okay lang po 'yon. Walang problema," pagpayag ko. Naiintindihan ko namang gusto niya lang makasama ang pamilya. Medyo mahaba ang biyahe pauwi ng Baguio, kaya kailangan niyang um-absent ng dalawang araw.
"Naku! Salamat," masayang tugon niya. "Ikaw na lang ang bahalang magsabi kay Mitsui."
"Sige po, ako nang bahala."
***
"What took you so long?" Naiinip na nagtanong si Mitsui nang sumakay ako sa kotse. As usual, ganito pa rin siya. Relasyon lang namin ang nag-improve, hindi ang ugali niya.
"Si Manang kasi nagpaalam na uuwi muna sa kanila," paliwanag ko habang ikinakabit ang seat belt. "Birthday ng anak niya. Siyempre, dapat nando'n siya para mag-celebrate."
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)
Romance[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University, she doesn't quite fit in. Hindi naman kasi siya anak-mayaman tulad ng halos lahat ng estudyanteng...