Chapter 76
[Vianca's POV]
Kinabukasan, ang bigat pa ng talukap ng mga mata ko, pero pinilit ko nang dumilat ng maramdaman kong tila may yumuyugyog sa mga paa ko.
"Mommy! Wake up!"
Pagmulat ko ay nakita ko si Lei na nakatayo sa may paanan ko. Umakyat siya sa ibabaw ng kama at saka tumalon-talon.
Naalala ko kung ano ang kasalukuyang hitsura naming dalawa ni Mitsui, kaya bigla kong hinila pataas ang kumot. Pagkatapos kong maayos na matakpan ang katawan ko ay bahagya akong umupo at sumandal sa headboard.
"Mom, get up! Gisingin mo na si Dad! It's six o'clock already," pangungulit ni Lei habang patuloy na inaalog ang kama.
"Ikaw bata ka, tigilan mo nga 'yan!" saway ko sa mahinang boses. Baka magising ang daddy niya at mapagalitan pa kami.
"Good morning, Daddy!" Ngunit bumaling na siya kay Mitsui na gising na rin pala sa tabi ko.
"Hon, akala ko ba ni-lock mo 'yong pinto kagabi?" Niyugyog ko ang balikat niya.
"I forgot," maikli niyang sagot.
Inirapan ko siya. Kalimutan ba namang i-lock 'yong pintuan. Kaya kung anu-ano ang nakikita ng bata.
"Mommy, why are you and Dad both naked? Mainit po ba kagabi? Sira po ba yung aircon?" inosenteng tanong ni Lei dahilan para lumipat dito ang pansin naming mag-asawa.
"Ha? Ah.. Eh.. Ano.." Ramdam ko ang mabilis na pamumula ng mukha ko.
Hindi ako agad makasagot, kaya tumingin ako kay Mitsui. Pero imbes na makatulong, lalo lang akong na-distract nang ngumiti siya.
Kahit parang nakakaloko ang ngiti niya, hindi naman maalis ang paningin ko sa mga labi niya. Napalunok na lang ako nang maalala ko ang mga nangyari sa buong magdamag.
Mainit ba kagabi? Oo, sobrang init...
Ano ba!? Umagang-umaga, pinagpapawisan ako.
Pinahid ko ang kaunting pawis sa noo ko habang pinagmamasdan kong mabuti ang asawa ko. Bagaman bagong gising at magulo pa ang buhok niya, para bang mas nakadagdag pa iyon sa kagwapuhang taglay niya.
"Hon, you're speechless again. Don't worry, you don't have to say anything." Napansin niyang natulala ako at napako na sa kanya ang mga mata ko. "Last night was really hot." Bahagya rin siyang bumangon at natatawang hinalikan ako sa pisngi.
Itinulak ko tuloy siya sa dibdib. Tss! Sige lang, pagtawanan niyang hindi ako basta makapagsalita. Eh, sa gano'n kalakas ang epekto niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)
Romance[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University, she doesn't quite fit in. Hindi naman kasi siya anak-mayaman tulad ng halos lahat ng estudyanteng...