Chapter 33

868K 10.5K 1.3K
                                    

I edited this #MakalaglagPanty chapter para maging mas wholesome. LOL.


______________

Chapter 33


[Vianca's POV]


Kinaumagahan, mag-isa na lang akong nagising sa kwarto ni Mitsui. Napangiti ako nang maalala ko ang namagitan sa amin kagabi sa study room. Sa huli, dito rin kami nakatulog sa silid niya.


Iginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto. Magmula nang naging mag-asawa kami ay ngayon pa lang ako nagising dito.


'Di nagtagal, napagpasyahan ko nang bumangon. Nabanggit niya sa akin kagabi na maaga siyang aalis ngayon, dahil may class activities daw sila. Ako naman, half-day lang tuwing Martes, kaya mamayang hapon pa ang pasok ko.


Pagkakain ko ng almusal ay nagtungo ulit ako sa study room para magligpit ng mga kalat. Pinulot ko isa-isa ang mga nahulog na aklat sa sahig. Buti na lang at hindi nasira ang mga 'yon.


Matapos kong maglinis, pabalik na sana ako sa sala nang marinig ko ang sunud-sunod na tunog ng doorbell, kaya agad akong lumabas ng bahay at nagpunta sa gate.


Sino naman kaya 'to?


Pagkabukas ko ng gate ay bumungad sa harap ko ang isang ginang na halos kasing-edad ni Mama Angela. Sopistikada at elegante rin siyang manamit.


"Good morning po," pagbibigay galang ko. "Sino po sila?"


Ngunit imbes na sumagot, pinagmasdan niya lang ako mula ulo hanggang paa. Nakita ko kung paano tumaas ang isang kilay niya habang sinusuri ako.


Teka! Sino ba siya? Nakaka-offend naman ang babaeng 'to kung makatingin.


Sa kabila ng inis na bigla kong naramdaman ay mas pinili kong huwag magpahalata. "Ano po ang kailangan nila?" 


Noon lang siya nagsalita. "I am Mitsui's stepmother. Are you his wife?" nanunukat na tanong niya.


Nagulat ako nang sabihin niyang stepmom siya ni Mitsui.


Anong ginagawa niya rito? Bakit may mga dala siyang gamit? Dito rin ba siya titira sa bahay?


"O-opo, asawa ako ni Mitsui." Nagawa ko pa ring sumagot, bagama't kinakabahan ako habang kaharap ko siya.


"Good. Then you should know that from now on, I will also be staying in this house," striktong dagdag niya.


"Ano po? Alam na po ba 'to ni Mitsui?"


"Not yet. But I'll stay here, whether he likes it or not." Bago pa man ako makapagprotesta ay tuluy-tuloy na siyang pumasok sa bahay.

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon