:song recommendation T-shirt by Shontelle
------*---*------
Yn's pov
Andito ako sa airport na pagmamay-ari ni kuya Ace, naghihintay ako ngayon sa sundo ko at hindi ko alam kung sino ang susundo sakin. Hindi ko alam kung si mama ba o si kuya. Mga ilang taon na din na hindi kami nagkita ni kuya at excited na ako na makita ulit sya.
Maya-maya lang ay may Mercedes Benz ang unti-unting tumigil sa tapat ko tapos lumabas ang driver. Napatingin ako sa lalaki na lumabas ng kotse dahil wala akong masabi sa itsura nya.
"Yn?" napaigtad nalang ako ng tinawag ako ng lalaki. Teka, kilala nya ako?
"P-po?" nauutal ko na sagot sa kanya at natawa lang sya.
"Get in the car, hinihintay kana ni mama sa bahay" saad nya at tumango naman ako kaagad ako napatigil at tiningnan ko sya na tinutulungan ako sa mga dala ko na gamit.
"K-kuya Sev?" patanong ko na tawag sa kanya at lumingon lang sya sakin. Tama si kuya nga, grabe muntik kona sya hindi makakilala.
"Bakit?" tanong nya sakin.
"Wala, hindi kang kasi kita namukaan" napangiti lang sya sa sinabi ko.
Masyadong malayo ang byahe namin at hindi ko alam kung ilang oras na ba ang inabot namin, halos nakatulog na ako sa loob ng kotse. Nakasuot ako ng mahaba na palda at cardigan jacket. Trust me, nagmumuka akong manang sa paningin nila lalo na kapag suot ko ang round glasses ko. Hindi ako mahilig pomurma dahil hindi naman ako mahilig lumabas, ayos na sakin ang makulong sa kwarto at magbasa ng romance books at maglaro ng online videogames. Actually pinagbabawalan talaga ako ni mama sa videogames dahil sa mga mata ko pero kilala ako sa Spain as anonymous pro player.
Pagkatapos ng ilang oras na napatulala sa side mirror ng kotse ay nakarating din kami sa bahay. Sinalubong agad kami ni mama kahit nasa gate palang kami.
Nakangiti ako na sumalubong kay mama at yinakap nya ako ng mahigpit na mahigpit.
"Ma hindi ako makahinga" saad ko na halos nag-aagaw buhay na sa yakap ng aking ina. Binitawan nya ako na may ngiti sa kanyang mga labi qt hinawakan nya ako sa pisngi.
"Ang bunso ko, malaki na" saad nya na para bang isa parin akong walong taong gulang sa kanyang mga mata.
"Magulat ka kung hindi yan lumaki" napalingon kami ni mama kay kuya na binubuhat ang mga gamit ko at parang nahihirapan sya.
"Ano ba laman nito at ang bigat" reklamo nya habang binubuhat ang gamit ko papasok sa bahay.
"Novels and journals ang karamihan dyan" I replied immediately which is a half truth and a half lie. Actually mga gamer materials ko ang nandun. Mahirap na baka pagbawalan na naman ako ni mama.
Pagtingin ko sa bahay ay pakiramdam ko bumalik ako sa pagkabata. Napangiti ako ng makita ko ang duyan na nakakabit sa puno na nasa bakuran namin. Dati kapag umiiyak ako sa duyan agad ako pumupunta, halos si kuya Evan ang palaging nagpapatahan sakin nun at wala akong kaibigan tapos palagi pa kami nun nag-aaway ni kuya. Halos sampung taon na din ang nakalipas.
Kumusta na kaya si kuya Evan.....
Nilagay na ni kuya ang mga gamit ko sa aking kwarto habang si mama naman ay naghanda ng makakain namin. Nang lumabas si kuya mula sa aking kwarto ay kaagad ako na lumapit sa kanya.
"Kuya saan po ang punta mo pagkatapos nito?" tanong ko sa kanya pero parang wala syang gana.
"Going to meet my cousins" saad nya at napangiti kaagad ako.
"Pwede po sumama?" tanong ko sa kanya pero nagsalubong kaagad ang magkabilang kilay nya.
"No, it's a man's hangout" sagot nya sabay talikod sakin at hinanap ang susi ng kotse nya.
"Hindi ko pa po kasi sila nakilala, I just want to meet them and know them....." napatigil lang sya sa sinabi ko saka sya humarap sakin.
"You don't need to know and meet them" he immediately replied to me then he continue looking for his car's key.
Maya-maya lang ay narinig ko ang pagtunog ng doorbell ng gate namin. Ganun parin dito sa bahay, ayaw ni mama ang may maids, at hindu ko alam kung bakit. Hindi na ako nagdalawang isip na ako nalang ang magbukas ng gate.
Marahan akong tumakbo papunta sa gate at binuksan ito pero para akong nabuhusan ng malamig dahil sa sumalubong sakin.
"Is Sevhastian here?" he asked me in an Aussie accent. Napahawak lang ako sa gate habang nakatitig sa kanya, he was a freaking demigod in my eyes. Sino ba ito?.....
Tumango lang ako sa kanya bago nya ako tiningnan mula ulo hanggang paa.
"What's your name?... ngayon lang kita nakita dito" saad nya sakin habang nakangiti. His puppy eyes were smiling at me. Hindi ako makapagsalita na para bang may nakabara sa lalamunan ko.
Magsasalita na sana ako kaya nga lang narinig ko na sumigaw si kuya at kumaway sa kanya ang lalaki na nasa harapan ko.
"Zach diba sabi ko, ako na ang pupunta dun" saad ni kuya sa lalaki na nasa harapan ko. Zach pala pangalan nya, he's cute. Naramdaman ko na saakin dumapo ang mata nilang dalawa at saka kolang napansin na nasa pagitan pala nila ako. Ang tatangkad nila halos hanggang balikat lang ako.
"Hindi ka ba papasok sa loob?" napaigtad nalang ako dahil sa biglaang salita ng kuya at kaagad naman ako tumango saka tumakbo papasok ng bahay. Pagpasok ko ng bahay ay kaagad ako napahawak sa pisngi ko na medyo namumula. Shux buti nalang hindi masyadong mapula pisngi ko.
"Yn anak kakain na tayo" narinig ko si mama na napasigaw mula sa kusina.
"Andyan na po" sagot ko naman at naglakad na ako papuntang kusina.
Evan's pov
Gabrielle and I were playing billiards while waiting to Sevhastian and Zach. Sinundo sya ni Zach kasi bakit daw ang tagal. Sevhastian, sa kanilang anim ay sya ang pinakamalapit sakin. Sabihin nalang natin na parang magkapatid na ang turingan namin. We're cousins but we're also bestfreinds.
Maya-maya lang ay dumating na sila at para bang pagod na pagod ang medical professor namin na si Sevhastian.
Kaagad na lumapit samin si Zach habang si Sev naman ay dumiretso sa bar counter.
"Hey man" bati samin ni Zach. Napaupo sya sa sofa na kaharap namin habang kani ni Gab ay tuloy pa din sa paglaro.
"May katulong ba sina Sev sa bahay ni Mommy nya" tanong samin ni Zach.
"Eh? Hindi gusto ni Sev na mag hire ng katulong para sa mama nya, kaya nga sya halos araw-araw bumibisita doon" sagot naman ni Gabrielle sa kanya habang tumitira.
"Pero kanina pagsundo ko kay Sev, there's a little girl who opened the gate for me" saad nya habang nakaupo at nakatingin sa kawalan na para bang iniisip nya ang babae na sinasabi nya.
"She's cute" dagdag nya na saad at napangiti sya saka lang natawa ng mahina si Gab.
"In love kana naman?" natatawang anya ni Gab kay Zach.
"She has dimples" saad ni Jake sa mahinang boses dahilan para mapatigil ako sa paglaro ng bilyar.
It's Yn....
She came back?__________________
Vote for this chapter ( ⚈̥̥̥̥̥́⌢⚈̥̥̥̥̥̀)Another roller coaster na naman.....
Next chapter loading up...
BINABASA MO ANG
My Stepbrother's Bestfreind [Enhypen Vergara Series #2]
Romance"No one will know" saad sayo ni Evan habang hawak hawak ang mga kamay mo. You are just a shy girl when you came back from Spain. Noon pa man gustong-gusto mo na ang kaibigan ni stepbrother mo pero hindi nya lang yun basta kaibigan kundi pinsan di...