Chapter 32: Movie or Me

36 13 0
                                    

Yn's pov

Heto ako yakap-yakap ang sarili sa ilalim ng kumut. Hayst ang sakit talaga ng puson ko, kung pwede lang tanggalin ko ito ginawa kona. Ang hirap talaga maging babae lalo na kapag sa ganito na kapanahonan.

Napasinghap nalang ako bigla ng maramdaman ko na may umupo sa higaan at dahan-dahan na hinila ang kumut na nakabalot sakin. Si kuya Evan na nakangiti ang tumambad sakin. He has this smile that I'd always want to see as my b o y f r e i n d.

He immediately hugged me by my waist and placed a kiss on my forehead.

"Masakit parin?" marahan nyang tanong sakin. Tumango lang ako sa kanya bilang sagot at bigla ko nalang naramdaman ang init ng kanyang palad ng inalapat nya ito sa puson ko.

"Just a rest, mawawala din yan" saad nya habang hinihimas himas ang buhok ko. Yung pakiramdam na gusto ko umiyak tapos mamaya galit bigla. Mood swing, pinaka ayuko sa lahat.

When I look at my digital clock on the wall it's near 6:45 pm. Hindi pa ako kumakain at hindi ko alam kung ramdam ko pa ba ang gutom dahil sa puson na ito.

"Nag dinner kana?" tanong ko sa kanya habang nasa tyan ko parin ang mga kamay nya. He is massaging my belly. Haha cute.

"Ikaw?" I Immediately shooked my head to his question and he immediately stood up.

"Wala pa?" tanong nya sakin at tumango lang ako.

"Wait here, magluluto ako" dagdag nya na saad dahilan para mapangiti ako. Napagdesisyonan ko na tumulong nalang sa kanya para kahit papano hindi nya sabihin na ginagawa kona sya na katulong.

Bumaba ako sa kama at sumunod sa kanya hanggang kusina at hindi nya alam na sinusundan ko sya. Kaagad sya tumigil ng makita nya ako na nasa likuran nya sumusunod.

"Did I told you to stay on your bed?" he asked with small pout on his lips. Ako naman ito na matigas ang ulo, syempre hindi ako nakinig sa kanya at nauna na ako sa kusina.

"Magluto ka ng favourite ko" saad ko habang papaupo sa upuan at nagsimulang magbasa ng nobela.

"What's your favorite again?" tanong nya habang nagbubukas ng refrigerator at kaagad nagsalubong ang mga kilay ko. Aba, antagal na namin tapos hindi nya pa alam favourite ko.

"Tignan mo nalang kung ano ang nandyan sa ref" saad ko sa kanya.

"Talong lang nandito tsaka itlog" sagot nya sakin na kaagad ko naman kinagulat. Hala, alam ko nag grocery palang ako noong isang araw ah.

"Imposible, bumili kaya ako ng mga canned food" sagot ko.

"No, you should eat vegetables and any other healthy food, magmula ngayon bawal ka kumain ng mga ganyan.... talong lang gulay sa ref mo tapos puro unhealthy food na ang lahat" reklamo nya na saad sakin na para bang anak nya ako kung magsalita sya.

"Opo angkol" I defeatedly answered to him.

"Ano gusto mo gawin ko sa talong?" tanong nya sakin habang inaayos nya ang mga ingredients.

"Kahit ano basta gusto ko buo, yung luto ha wag yung hilaw" I immediately said then when I looked to him. I saw blush on his face then he immediately look on other direction.

"Ok" saad nya sakin bago sya nagsimula sa pagluluto.








After dinner, I immediately convinced him to watch TV. Halos mag-away kami kasi sabi ko gusto ko Moana movie tapos sya naman gusto nya Fast and Furious.

Syempre malakas ako kaya ang ending nanood kami ng Moana. Pagkatapos ng ilang segundo ay nakaramdam ako ng gutom, hindi ko alam kung gutom ba ito o sadyang pakiramdam ko lang.

I gently pinched his arm causing him to look on me while raising eyebrows.

"Nagugutom ako" I said in a low voice but enough for him to hear.

"Na naman?" he unbelievably said but I found it cute. Umalis sya sa sofa at lumabas ng condominium ko. Pagbalik nya ay may dala-dala na sya na Ice cream dahilan para mapangiti ako.

"Napanood mo na ang Moana?" tanong ko habang ngumunguya ng ice cream. He shooked his head sign as a no.

"Eh yung Despicable Me?" tanong ko at ganon din ang sagot nya sakin.

"Encanto, Inside Out, Coco, Big Boss Baby or even Tom and Jerry?" tanong ko sa kanya pero ganon pa din ang sagot ni kuya Evan.

"Ha? Saang lupalop ka ba pinanganak at lumaki kahit isa dun hindi mo man lang napanood" pagrereklamo ko pero parang hindi sya apektado sa mga pinagsasabi ko. Ang galing...

Mukang hindi ata sya interesado sa mga ganito na movie kasi gusto nya ay action, romance, sci-fi and fantasy tapos ako na puro Animation lang ang gusto.

"Ikaw may napanood kana ba doon kahit isa?" tanong nya sakin at tumango naman ako.

"Napanood kona lahat pero don't worry papanoorin lahat natin yun para sayo" saad ko habang may matagumpay na ngiti at sya naman na napakurap ng ilang beses saakin.

"Lahat?" tanong nya sakin na para bang nagbibiro lang ako.

"Lahat"

Narinig ko sya na napabuntong hininga at hindi na sumagot saka kumain ng Ice cream. He gently nudge my elbow causing me to look at him with irritation.

"Talaga bang manonood lang tayo?" tanong nya sakin at tumango naman ako. He gently pulled my clothes causing me to look on him again.

"What?" saad ko habang magkasalubong ang kilay.

"Sigurado ka gusto mo lang manood?" tanong nya sakin na wala namang pinagkaiba sa tanong nya kanina. Napatigil ako ng tiningnan nya na ako ng mata sa mata.

Yung pakiramdam na parang matutunaw kana lang sa mga mata, the stare of Evan Furrer Vergara hits different. I suddenly felt sensation inside my body when he did a triangle eye, he first look at my left eye then to my right eye and down to my lips then immediately flickered back onto my eyes.

"The movie or me?" my breath hitched a bit when he said that. His voice is low but seductive, seductive yet sweet at the same time.






It is a new morning knowing that I need to study for the upcoming examination. Napangiti nalang ako bigla ng maalala ko ang kagabi na sinabi ni kuya Evan, matapos nya yun sabihin ay kaagad ko sya pinalabas kahit ayaw nya. Mahirap na baka may mangyari na hindi inaasahan.

Pagtingin ko sa orasan ay malapit na pala pumatak ng alas otso. Kailangan ko magmadali kasi nag pa appointment ako sa professor namin.

________________________
Oh mga bhe kaya pa? Syempre kaya....... Kakatapos palang ng Research defense namin!!!! Mga bhe pa support ng second acc ko sa tiktok twilight_0602.... try ko dun mag live kasi hindi ako makapag live sa original acc ko huhu

Bhe ang landi ni Heesung dito hahaha star mga ka ENGENES

My Stepbrother's Bestfreind [Enhypen Vergara Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon