Chapter 9: Car keys

51 7 2
                                    

Yn's pov

Napalingon ako sa ibang direksyon para maiwasan ang pagtama ng tingin namin sa isa't isa. He likes someone and I'm too late. Ang ganda nya siguro para magustuhan ng isang Evan Furrer Vergara.

"May problema nga lang" napalingon ako pabalik sa kanya.

"Hindi ko pa sya nakita at hindi nya pa ako nakita" napataas ang dalawa kong kilay sa sinabi nya.

"What do you mean kuya?" I asked him. Sarkastikong napangiti sya sa tanong ko.

"Funny to admit but I fell inlove because of her voice in just one night" he has this genuine smile on his lips while saying that. Mukang nahulog na sya ng tuluyan sa babaeng iyun. Sa loob ng isang gabi nagawa ng babaeng yun na mahulog sa kanya si kuya Evan. Sigurado na wala akong panama sa babae na yan.

Mapait lang ako na napangiti. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang ipapakita ko kay kuya Evan. Sino ba naman ako para magustuhan nya, isa lang akong batang babae na mahilig sa online games, walang kwenta manamit at malabo ang mata.

Napalingon ako sa kotse ni kuya Evan at sa susi na hawak-hawak nya.

"Kuya mabilis ba ang kotse mo?" tanong ko sa kanya at tumango lang sya sakin. Bumaba ako sa pagkaupo ko at kinuha ang susi na hawak-hawak nya dahilan para mapatingin sya sakin.

"Masubukan nga" saad ko diretso pasok ng kotse at lock ng pinto para wala ng makapigil sakin. Kaagad naalarma si kuya Evan at sinusubukan nya na buksan ang pinto.

"Yn anong ginagawa mo, lumabas ka dyan, Yn you can't drive this car" he was trying to stop me but I made my decision.

"Kailangan ko din minsan magliwaliw" bulong ko sa sarili bago ko pinaandar ang kotse at hindi ako nagdalawang isip na tapakan ang accelerator ng kotse dahilan para makaalis ako ng mabilis.




Evan's pov

Mas lalo akong naalarma ng sinimulan nya ng paandarin ang kotse ko.

Putangina magpapakamatay ba sya?

Pilit kong binubuksan ang pinto ng kotse pero parang naka lock.

"Yn, you can't drive" paulit-ulit kong sabi sa malakas na boses para marinig nya sa loob at alam ko naririnig nya ako sadyang hindi nya lang ako pinapansin. Hanggang sa napatigil nalang ako ng tinapakan nya na ang accelerator ng kotse at mabilis ang patakbo nya. Naiwan akong nag-aalala habang si Yn nakasakay sa racer car ko.

Fuck...

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat ko na gawin. She can't drive that car, it's a racer car and it's hard to use unless you are a racer. That car is just for racers only. She might die or worst

Sinubukan ko na tawagan si Sev pero kaagad din naman ako napatigil.

Pagsinabi ko sa kanya ang tungkol ngayon pwede na malaman nya na alam ko pala kung asan si Yn...... o baka isipin nya na nagsinungaling ako sa kanya.

"Putangina" napamura nalang ako at binaba ang cellphone na hawak-hawak ko. Ang hirap pala magbantay ng bata. Hanggang sa biglang pumasok sa isip ko si khairo.

Pwede naman siguro kasi halos pareho ang edad ni Yn sa fiancee ni khairo, She's eighteen when she met khairo.

Hindi na ako nagdalawang isip na idayal ang numero ni khairo. Please khairo pick up the phone. Napahinga ako ng maluwag ng sinagot nya ang tawag ko.

"Hello?" sagot nya sakin.

"Your fiancee is eighteen when you met her, right?" kaagad ko na tanong sa kanya.

"Yes why?" tanong din nya sakin pabalik na para bang naguguluhan na sakin.

"Anong ginagawa mo kung hindi sya nakikinig sayo?" madalian ko na tanong.

"Hinahalikan ko sya" sagot nya sakin na may halong tawa at napatigil ako ng makita ko na bumalik na si Yn at wala gasgas ang racer car ko.

Kaagad ko na binababa ang cellphone at lumapit ako sa kanya. She drove my car, and it's a racer car.

How did she managed to drive my racer car?
Marunong sya magmaneho nito?

Binuksan nya ang pinto pero hindi parin sya bumababa at nakangiti sya sakin habang ako naman ay naglalakad papalapit.

"Ang susi" binuklad ko ang aking palad para maibigay nya ang hinihingi ko na susi. Imbes na ibigay nya sakin ang susi ay nginingitian nya lang ako.

"Isa pa, astig pala ng racer car mo" saad nya habang nakangiti dahilan para lumabas ang dimple nya. Pinatong ko ang isang kamay ko sa bubong ng kotse at ang isa naman ay nasa pinto.

"Yung susi" matiim ko na sabi at medyo nawawalan na ako ng pasensya pero ayaw nya pa din ibigay sakin. Hanggang sa biglaang pumasok sa isip ko ang sinabi ni khairo.






Yn's pov

Tiningnan nya ako ng malalim sa aking mga mata dahilan para mapatigil ako. Hanggang sa di ko nalang namalayan na unti-unti na syang yumuko habang ako naman ay nakasandal sa upuan. Then the next thing I knew is his lips is on mine, he is kissing me right now. He moved his lips like a pro but it was gentle. Halata na mukang alam na alam nya kung paano humalik habang ako naman na walang kaalam alam pagdating sa mga ganito.

Napapikit ako at mas lalo nyang diniinan ang halik hanggang sa lumakbay ang isang kamay nya sa braso ko papunta sa aking kamay na hawak-hawak ang susi at dahan-dahan nya itong kinuha mula sa aking palad. Hindi ko alam kung ano ang dapat ko na gawin. His lips taste so good, he kissed so good and it made my body respond to his kiss. The way he moved his lips was so soft ang gentle. His breath smells so good like a lavender. Medyo napaliyad ang katawan ko ng sinimulan nya ng igalaw ang kanyang dila. Hindi ko alam kung paano ba dapat humalik sa lalaki. Hindi ko rin inaasahan na ang unang lalaki na mahahalikan ko ay si Kuya Evan, pinsan ni kuya at matalik na kaibigan ni kuya. My stepbrother's bestfreind was kissing me.

Ramdam ko ang pawis na dumadaloy mula sa leeg ko. Si kuya Evan ang pumutol sa halik at naghahabol ako na huminga dahil parang inabot ng isang minuto ang halik. Pulang-pula ang mga labi ni kuya Evan at matiim nya ako na tiningnan.

"Kuya......."

_________________
Vote for this chapter (⁠・⁠∀⁠・⁠)

Nagsisimula na tayo bhe erhehe....

My Stepbrother's Bestfreind [Enhypen Vergara Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon