Chapter 29: Hickeys

60 12 7
                                    

Yn's pov

Dahan-dahan ako nagising dahil sa huni ng ibon na nasa labas ng bintana. Kaagad ako napatingin sa sarili ko.

Nakahinga ako ng maluwag dahil nakadamit pa ako pero hindi ko mapigilan ang maisip muli kung ano ang nangyari kagabi. Kaagad ko kinuha ang unan sabay subsob ng aking muka at doon ko sinigaw lahat ng kahihiyan na ngayon kolang naramdaman.

"Pano ko ba sya ngayon harharapin?" tanong ko sa sarili pero kaagad ako napatigil ng marinig ko na may kumatok sa kwarto. Kaagad ko binalot ang sarili sa kumut at nahiga.

Narinig ko na bumukas ang pinto at rinig ko din ang yabag na papalapit sakin. Naramdaman ko na may naupo sa kama at tumalikod ako sa kanya.

"Hindi ka pa ba babangon?.... it's late" saad nya habang nakahawak sa likuran ko. Halos mapamura nalang ako sa sarili dahil sa kahihiyan at hindi ko din alam kung ano ang dapat ko gawin.

"Mamaya byahe natin pabalik ng Pilipinas, get ready for an hour" kaagad ako naalarma sa sinabi nya. Kakadating palang namin kahapon tapos mamaya babalik na kami.

"We're going home?" tanong ko sabay bangon. Tumango lang sya sakin.

"Ayuko pa uwuwi" saad ko na may halo na pagrereklamo at napangiti lang sya hindi ko alam kung bakit.

"May pasok kana" sagot nya sakin dahilan para mapairap ako. Umalis ako sa kama at hindi kona sya liningon dahil dire-diretso na ako pumasok ng banyo. Sa totoo lang ayaw ko pa umuwi.

Kaagad ako napatigil sa harap ng malaking salamin dahil sa nakita ko na nasa leeg ko.

"Anak ng tinapa" saad ko sa sarili habang tinitingnan ng maayos sa salamin ang marka ng mga kagat sa leeg at balikat ko pababa sa collar bones ko. It's a hickeys, sa madaling salita mga chikinini.

Kaagad ako lumabas ng kwarto at hinanap sya, nasa silid-aklatan si kuya Evan ng matagpuan ko sya. Kaagad syang napatingin sakin ng pumasok ako ng walang pasabi.

Malakas ko na hinampas ang aking kamay sa mesa sabay turo sa mga marka sa leeg at balikat ko.

"At sino nagsabi sayo na pwede ka mag-iwan ng marka?" mataray ko na tanong pero napansin ko na napakagat sya sa labi para maiwasan ang mapangiti.

"Paano nga ulit ang pagsambit mo sa pangalan ko kagabi?" tanong nya sakin habang may pilyo na kunting ngiti sa labi. Kaagad ako napatigil at naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko.

"K-kahit na, walang permiso mula sakin ang ginawa mo" grabe halos mapamura nalang ako sa sa utak ko dahil nautal na naman ako.

"Diba sabi mo..... gawin ko sayo ang mga naiisip ko ng gabing iyon" saad nya bago sya yumuko at bumulong sa aking tenga.

"Wala pa sa katiting ang ginawa ko" kaagad ko sya tinulak at nakangiti parin sya habang ako magkasalubong ang kilay. Ngunit napalingon ako bigla sa kanan ng may narinig ako. Hindi ko inakala na ibang kahihiyan ang naramdaman ko dahil sa nakita ko.

"What. the. freak." tulala na saad ni kuya Gab sa hindi kalayuan habang ang dala-dala nya na kape ay ngayon nasa sahig at basag pati yung tasa. Napakurap ako ng ilang beses bago ko napagdesisyon na umalis ng silid habang tibatakpan ang muka.

Bakit sya nandito....









Evan's pov

Kaagad lumapit sakin si Gabrielle matapos makalabas ni Yn sa silid.

"Hey don't tell me na kambal yun ng kapatid ni Sev?" saad nya na may halong katanungan at naupo ako pabalik sa upuan.

"Seriously?.... she got hickeys?! From you?!" tanong nya sakin. Kahit kaylan napaka tsismoso talaga ng lalaki na ito. Kagabi naka video call ko pa si Sevhastian dahil namimiss nya na daw ako. It's hard for me to communicate with him through calls without knowing his sister is with me.

"Hoy seryuso kana ba talaga?! Kapatid yun ng pinsan mo" hindi ko alam kung maayos pa to si Gabrielle o nasisiraan na dahil sa mga nakikita nya ngayon. Ang dami nyang tanong pero wala pa akong nasasagot kahit isa.

"May nangyari sainyo?" napatingin ako sa kanya dahil sa tanong nya.

"Wala" napaatras siya sabay taas ng kilay.

"Wala?.. bakit halos na ulanan yung ng hickeys?" he asked me while crossing his arms as if I owe him an explanation.

"She got what she wanted last night" napatakip si Gab sa bibig dahil sa sagot ko.

"Hindi nga, may nangyari sainyo?" ulit nya na tanong.

"Ang kulit, sinabi na wala nga" sagot ko na medyo nawawalan na ng pasensya. Naupo sya sa upuan na kaharap ko.

"Mukang mahihirapan ka nyan kay Sev" saad nya sakin habang napabuntong hininga. Totoo ang sinabi nya, nagsisimula palang kami ni Yn pero ramdam ko kaagad na mahihirapan ako nito sa kuya nya.

"Uuwi kami mamaya, I need to attend an event with Sevhastian" saad ko habang may pabuntong hininga sa hulihan.

"Kaylan mo sasabihin sa kanya ang totoo?" tanong nya sakin dahilan para mapaisip ako.

Kaylan ko sasabihin?....

I'm going to wait for a right time. Right time for me to say to my bestfreind that I am dating his half-sister. I'm going to wait for a right time where Yn is ready, and if she's ready I'm going to tell the world that she is mine, only mine.

"Tama pala hinala ni khairo noong una palang" saad nya dahilan para mapalingon ako sa kanya.

"He knows?" tanong ko.

"He is the first one who had an idea about this" sagot nya sakin. Grabe napaka observant pala ni khairo.









Yn's pov

Habang nakasakay na kami sa private jet plane ni kuya Evan ay hindi parin ako komportable lalo na at kaharap namin ngayon si kuya Gab. Naka jacket ako ngayon sinisiguro na hindi makita ang mga marka.

"So how did it all started?" tanong ni kuya Gab. Magsasalita na sana si kuya Evan na katabi ko pero kaagad ko tinapakan paa nya sa ilalim ng mesa.

"Ouch" napahawak sya sa kanyang paa sabay hawak sa kamay ko na nasa ilalim din ng mesa.

"Bakit? Ano meron?" tanong ni kuya Gab.

"Wala lamok lang" sagot nya, buti nalang hindi sya nagsalita ng kung ano-ano.

"Lamok? Sabi kona sayo na magsindi ka nga ng katol dito sa jet plane mo" natatawa nya na biro pero hindi ako doon natawa.










___________________________
★ star star kasi papindot.......

Ano na kumusta? Gusto ko sabihin na hindi pa ako naka move on kay khairo♥..... Oo hindi pa!

Thank you so much sa pagbabasa :⁠,⁠-⁠)
salamat salamat, arigatou gusaimasu, gamsahamaeda, thank you talaga..... kitakits sa IG followback kita!!

My Stepbrother's Bestfreind [Enhypen Vergara Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon