Evan's pov
Unti-unti akong nagising at saka kolang nalaman na wala pa ako sa aking kwarto kundi andito sa sofa. Napaupo ako at napahawak sa sintido dahil sa sakit ng ulo. Halos sariwa pa sa utak ko ngayon ang nangyari kagabi. Grabe muntik na yun.
Hindi pala ako nakapagpalit kagabi. Basta lang ako humiga dito. Umalis ako sa sofa saka dumiretso sa kwarto ko para maligo. Pagkatapos ko maligo at magdamit ay dumiretso kaagad ako palabas ng kwarto papunta sa kusina para magtimpla ng kape. Papasok na sana ako sa kusina pero kaagad ako napatigil dahil nakita ko si Sevhastian na nakaupo sa sala. Napasandal ako sa pinto habang nakatingin sa kanya na parang may problema.
"Kanina ka pa dyan?" tanong ko sa kanya at nakapagtimpla na pala sya ng kape, para sa kanya.
"Ngayon lang ako" sagot nya sakin at naupo ako sa kabilang upuan.
"Why are you here" napatingin sya sakin matapos nya lumagok ng kape. Grabe talagang feel na feel nya bahay ko at kape. Dapat masanay na ako kasi highschool palang ganito na sya sa bahay ko.
"It's about Yn" napataas ang kilay ko dahil sa sinabi nya. I'm sure that he is going to ask me for help.
"Alam mo kung ano ang ginawa nya kahapon ng pinakilala ko sya sa board of directors?...." patanong nya na saad saakin.
"Inaway nya ang board of directors at dinamay pa pati mga sponsors" dagdag nya na saad sabay yuko at hawak sa kanyang sintido.
"You know sometimes, I can't understand her" reklamo nya na salita sakin.
"So?" tiningnan nya ako ng malalim.
"I need your help" kaagad nagsalubong ang mga kilay ko at tipid lang na ngumiti sa kanya. Hindi nagkamali ang hula ko ngayon.
"Sige na, diba noon ikaw lang ang nakakapatahan at sinusunod nya kapag may misunderstanding kami" he said with determination. Kaagad ko naalala ang lahat ng maalala ko ang noon. Actually, pinigilan ko lang ang nararamdaman ko noon kay Yn kasi masyado syang bata. How about now?...
"Why don't you try to give what she really wants?" blangko lang sya sakin na napatingin.
"Bro, sigurado ako na Law school na naman sasabihin nun" sagot nya sakin na para bang nawawalan na ng pag-asa.
"Wala ba syang ibang hiniling sayo?" tanong ko kay Sev, tahimik nya ako tiningnan at halata na nagdadalawang isip sya. Kaagad sya tumayo mula sa pagkakaupo at kinuha ang kanyang cellphone saka may tinawagan.
Mukang nakuha nya kung ano ang ibig ko na sabihin.
Noon pa gustong-gusto ni Yn na makilala ang family side ni Sevhastian at isa na dun ang mga pinsan ni Sev.
Yn's pov
Andito ako sa aking kwarto nagmomukmuk ng mag isa. Hindi na ako nakakapag online games kasi pinagbabawalan ako ni kuya dahil sa kondisyon ng aking mata. Narinig ko ang unti-unting pagbukas ng pintoan ng aking kwarto at napalingon ako. Walang ibang tumambad sakin kundi ang dalawang maid na bagong hire palang ni kuya. Halos napaatras sila dahil sa kung paano ako tumingin sa kanila.
"Mam andun po si Sir sa baba hinihintay ka" saad nila saakin habang nakayuko. Masyadong maaga ata ngayon si kuya.
"Anong kailangan nya sakin?" tanong ko habang nakatingin sa bintana.
"Marami po sila mam" kaagad ako sa kanila napatingin at kaagad umiwas ng tingin ang dalawang maid. Tumango lang ako at saka sila umalis. Hindi na ako nag aksaya ng oras at bumaba ako ng kama para lumabas ng kwarto. Nakasuot pa ako ng sleeping night gown ko dahil tinatamad pa ako magpalit. Wala kasi akong sleeping pajama dito at puro sleeping night gown lang pinapasuot sakin ni mama noon pa.
Pagbaba ko ay dumiretso kaagad ako sa living room. Saka kolang napagtanto na ang tinutukoy pala ng dalawang maid namin na kasamahan ni kuya ay ang mga pinsan nya. Napatigil ako ng napatingin silang lahat sakin na nakasuot ng night gown. Medyo transparent ang night gown kasi pantulog lang dapat ito.
"Why you're in your night gown?" halos magkasalubong na ang mga kilay ni kuya saakin.
"Hi I'm khairo Vergara" napatingin ako sa lalaki na parang pusa ang mga mata at may dimple din sya katulad ko. Napalingon ako kay kuya William.
"Magpapakilala pa ba ako?" tanong nya sakin. Kaagad sya napairap ng mahina syang siniko ni kuya Gabrielle. Actually hindi alam ni kuya na nakilala kona sila. Himala, ano kaya nakain ni kuya para dalhin dito mga pinsan nya.
"I'm William"
"Kuya Gab"
"Zacharias, tanda mo pa?" tanong sakin ni kuya Zach na may ngiti sa kanyang labi.
"I'm Ricky......." napatigil ako bigla ng mapansin ko ang isang hapon na kasama nila ngayon. Grabe ngayon kolang sya napansin. Paktay, pinsan pala sya ni kuya. Palagi ko syang nakakalaban noon sa underground race sa Spain.
Napansin ko si kuya Evan na tahimik lang at paglingon ko sa kanya ay tama lang na nakatitig sya sakin dahilan para mapalingon kaagad ako sa ibang direksyon.
"Dito na kayo mag breakfast, magpapahanda ako sa maids" saad ni kuya sa mga pinsan nya at kaagad sya lumingon sakin.
"At ikaw magpalit ka" tiim nya na saad sakin saka sila nasimulang maglakad papunta sa likod ng bahay, doon siguro kami kakain ng umagahan. Nakita ko na linagpasan lang ako ni kuya Evan at hindi ko alam bakit nasasaktan ako ngayon kasi hindi sya lumingon manlang sakin.
Ngunit kaagad ko hinila si Ricky papunta sa kusina ng makaalis na silang lahat. Kaagad ko tinakpan ang bibig nya.
"Bakit ka nandito?" pabulong ko na tanong sa kanya, at kaagad ko inalis ang aking kamay sq kanyang bibig.
"Ang liit ng kamay mo pero parang bakal" saad nya habang inaayos ang kanyang suot na nagusot dahil sa paghila ko.
"Hindi ko alam na si rainywinter pala ang kapatid ni kuya Sev, at isa pa bakit kung magtanong ka parang wala na akong karapatan bilang pinsan ni kuya Sev" reklamo nya sakin. Hays hindi parin sya nagbabago, at matabil pa din. Inaamin ko wala akong kaibigan sa Spain, pero tanging si Ricky lang ang nagparamdam sakin noon na sundin ko ang nagpapasaya sakin which is racing and online gaming.
"Pwede ba tumahimik kana lang, just act fool" reklamo ko sa kanya. Pilyo nya lang ako na ngitian sabay kindat saka umalis sa aking harapan.
"Hoy hindi pa ako tapos-
Kaagad ako napatahimik sa pagsalita ng maramdaman ko na may humila sakin at tinakpan din ang aking bibig. It's kuya Evan, he's still handsome and charismatic.
Nakaramdam ako bigla ng pagkainit sa katawan dahil ang isa nyang kamay ay nasa beywang ko at ang isa ay nasa aking bibig. Dahan-dahan nyang inalis ang kanyang kamay.
"What are you doing?" mataray ko na tanong sa kanya.
"We need to talk" saad nya sakin sa mahinang boses. Actually I missed him, I missed his scent, I missed everything about him. Pero hindi na dapat ako magpadala sa nararamdaman ko. Mas lalo nyang hinigpitan ang hawak sa aking kamay.
"We broke up" dagdag ko na saad dahilan para mapataas ang isa nyang kilay.
"Tingnan mo ako sa mata at sabihin mo na hindi mo na ako mahal.... saka ako titigil" bigla ako napatahimik sa sinabi ni kuya Evan.
____________________
★★ ayan na......... awwweesss .·´¯'(>▂<)´¯'·.
BINABASA MO ANG
My Stepbrother's Bestfreind [Enhypen Vergara Series #2]
Romance"No one will know" saad sayo ni Evan habang hawak hawak ang mga kamay mo. You are just a shy girl when you came back from Spain. Noon pa man gustong-gusto mo na ang kaibigan ni stepbrother mo pero hindi nya lang yun basta kaibigan kundi pinsan di...