Chapter 44: Get back

45 8 0
                                    

Yn's pov

I can't utter any words because of the nervous that I feel right now.

"Natatakot ako" saad ko habang napayuko dahil sa katotohanan na sinabi ko. He gently hold my chin to made me look at his eyes.

"Why?" he gently said and it made my heart flip a bit because of his gentleness.

"I don't know" saka ko lang nalaman na unti-unti na pala ako na napaluha at dahan-dahan syang lumapit sakin para halikan ako sa noo. I swear, I miss this side of him.

"Nagdadalawang isip ka ba?" tanong nya sakin at napatango lang ako habang nakayuko. He slowly step away from me.

"Matulog kana, maraming bakante na kwarto sa itaas na pwede mo matulugan at bukas kana umuwi" saad nya sakin sa mahinang boses at kaagad sya umalis sa aking harapan. Pinanood ko lang sya na naglalakad palayo saakin.

Is he mad?

Pabuntong hininga ako na tumingin sa labas. Ang dilim at medyo nakakatakot, baka kung ano pa ang mangyari sakin kung uuwi ako ng mag-isa. Napagdesisyon ko nalang na umakyat sa ikalawang palapag at tama nga sya, maraming kwarto ang bakante. Grabe talagang dinala nya ako dito.

Paano ako makakatulog kung ganito suot ko?

Oo naka slim dress pa rin ako, at hindi ko alam kung maghuhubad ba ako o hindi kasi wala naman akong pangpalit. Napatingin ako sa malaking closet na hindi kalayuan sa queen size bed na inuupuan ko ngayon. Lumapit ako at binuksan ito. It was full of various women clothes.

Teka bakit may mga damit pangbabae dito?

Hindi na ako nagdalawang isip at kumuha ako ng damit na magkapares, it's a sleeveless white silk shirt paired with shorts.

Napahinga ako ng maluwag ng matapos ako sa pagligo at presko na ngayon ang katawan ko. Now it's time to sleep. Dahan-dahan ako na napapikit habang naka kumut ngunit biglaan ko na idilat ang aking mga mata dahil kahit antok na antok na ako ay hindi parin ako makatulog. Halos nalukop ko na ang kabuuan ng kama para lang makatulog pero hindi talaga.

Kunot ang aking noo na bumangon at napagdesisyonan na lumabas ng kwarto para uminom ng tubig. Baka kasi kulang lang ang utak ko sa tubig.

Dahan-dahan ako na bumaba ng hagdan na walang suot-suot na tsinelas o kahit medyas. Hinayaan ko lang na madampian ng aking mga paa ang malamig na sahig.

Matapos ako makainom ng tubig ay hindi ako kaagad bumalik ng kwarto dahil napagdesisyonan ko na libutin ang buong mansyon. Baka kasi may ginto dito na pwede isangla, actually gusto ko lang talaga malaman ko nasaan si kuya Evan. Hindi ko alam bakit gusto ko sya makita.

Habang tinitingnan ko ang ibang silid ay may narinig ako na tunog mula sa isang silid. Dahan-dahan ako na naglakad palapit sa silid na yun at nakabukas ang pinto nito. When I entered the room it was filled with weapons, different kind of gears, bikes, and guns.

Napalingon ako ng marinig ko ulit ang tunog. It was kuya Evan, holding a gun while pointing it to a cardboard target. He was using a silencer to a gun for not to make a sound from it. Nakatalikod sya sakin at kita ko kung paano nya pinatamaan ang sari-saring cardboard na malayong-malayo sa kanya.

Napaatras ako pero hindi ko namalayan na may natapik ng aking kamay at nahulog ito mula sa kinalalagyan. Lumingon ako pabalik kay kuya Evan at ngayon ay nakatingin na sya sakin.

Awkward

"Nagising ba kita?" tanong nya sakin habang naglalagay ng bala sa baril.

"Hindi naman, hindi lang kasi ako makatulog" halos napabulong nalang ako sa hangin dahil sa hina ng boses ko, pero alam ko na narinig nya yun. Napatingin sya sakin at tipid na ngumiti.

Gosh that damn smile..

"You want to try?" he asked while handing me the gun with a silencer. Tipid ako na napangiti at tumango lang sa kanya. He motioned me to get close to him, so I did. Dahan-dahan ko na hinawakan ang baril at lumipat sya sa aking likuran. Hinawakan nya ang aking braso para maayos ang paghawak ko sa baril. Napakurap ako ng hinawakan nya din ang baril kung saan ako nakahawak dahilan para dumikit ang kanyang palad sa aking kamay.

"Don't just pull the trigger, aim the target first" he whispered to me and it made my heart flipped a beat because our face was so close. I can even feel his hot breath on my cheek. He guides my hand on how to hold a gun then on how to put my finger on the trigger. Then after seconds I pulled the trigger and I shot the target. Napangiti ako dahil ito ang pinakauna na makahawak ako ng baril. Lumapit ako sa cardboard na binaril ko kanina at hinanawakan kung saan ko kanina napatamaan.

Naglakad ako sa kanya pabalik ng nakangiti at ngumiti din sya. Yung ngiti na parang may halong lungkot at saya.

"Is he the reason?" biglaan nya na tanong dahilan para mapatahimik ako at napapatanong sa sarili kung sino ang tinutukoy nya.

"Hm?"

"Sya ba ang dahilan kung bakit ka nagdadalawang isip?" ngayon alam kona kung sino ang tinutukoy nya, si kuya Zach.

Wait, is he jealous?

"No"

"Then what?" kaagad din ako napatahimik dahil sa agad-agad nya na tanong. Hindi ko masyadong makita ang kanyang mukha dahil tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw namin ngayon. The roof of this room is transparent, causing the moonlight to pass through. Hindi na ako nakapagsalita at napuno ang silid ng katahimikan.

"Sorry" kaagad ako napaisip kung bakit sya biglaang nag sorry sakin.

"For what?" tanong ko sa kanya at napayuko sya. I saw a smile on his lips, a bitter one.

"I want you to know, na wala akong kinalaman kung paano ka nila natagpuan..... but I'm sorry kasi natagpuan ka nila dahil sakin, dahil sakin nasira ko ang pangarap mo" he silently said with a bitter laugh in the end. Lumapit ako sa kanya dahil may sa loob ko ang hindi naniniwala sa mga sinasabi nya.

Ng malapit na ako ay saka ko lang napansin ang mga maliliit na luha na tumutulo mula sa kanyang mga mata.

Is he crying?

It's my first time to see a guy crying because of me, it's my first time to see a guy crying for me, first time to see a guy crying while saying sorry to me.

At dahil doon bigla ako nakaramdam ng lambot sa dibdib at ngayon ko lang naramdaman na sincere sya sa kanyang mga sinasabi. Tipid ako na napangiti at hinawakan sya sa pisngi.

"Awwwe, don't cry" I said in a baby voice causing him to look in a different direction.

"Hindi ako umiiyak" napatawa nalang ako dahil pinupunasan nya ngayon ang mga luha nya. Ngayon, nagpadala na naman ako sa nararamdaman ko. He looked so tough on the outside but he is soft in the inside.

"Alam mo ba na ang sakit na makita ka na hinahatid-sundo ni Zach na dapat ako yung gumagawa nun" may kunting luha pa ang tumutulo sa kanyang mga mata na nagbigay sakin ng dahilan para ngumiti.

"Selos ka?" natatawa ko na tanong sa kanya.

"Oo, sobra, grabe, tahimik lang ako pero selos na selos na selos na ako" pinigilan ko lang ngumiti pa lalo dahil sa narinig ko mula sa kanya. He said those words near in whisper but enough for me to heard it.



_________________
Halaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!! ★★★ bhe ilang days nalang birthday na ni Hee.. GUYS JOIN KAYO SA FB PAGE NATIN!! ADD NYO KO SA FB LIL-TWILIGHT THEWRITER!!!

My Stepbrother's Bestfreind [Enhypen Vergara Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon