Evan's pov
Kanina lang ay nakatanggap ako ng mensahe mula sa aking mga pinsan, kailangan daw namin magkita sa rest house kung saan palagi kami nagkikita. They told me that it's an emergency that's why I rushed myself to be there.
Pagdating ko sa rest house ay kaagad ko nakita si Sev na problemado ang itsura.
"What happened?" tanong ko dahilan para mapatingin silang lima saakin. Anim lang kami na nandito tapos yung isa nasa Japan. Napaupo ako sa sofa.
"Hindi ko parin nakikita si Yn" saad nya habang hinihilot ang kanyang sintido. I didn't utter a words knowing that Yn is in my house days ago.
"Ano ba pinag-awayan nyo?" tanong ni Ace sa kanya.
"It's about her........ being my stepsister" Sevhastian replied in near whisper but just right for us to hear.
"Ano sinabi mo sa kanya?" tanong ni Zach kay Sev.
"It's too complicated to explain" pagrereklamo nya na saad saamin. Magugulat ba sila pagsinabi ko na natulog si Yn sa bahay ko bago sya tuluyan ng mawala kung saan.
"Don't worry we will help you to find her" seryusong saad ni Zach sa kanya pero binalingan lang ni Sev ng masama na tingin si Zacharias. Halos napuno ng katahimikan ang buong silid bago nagsalita si Sev.
"Sinabi ko na sainyo, ayaw ko na lumalapit kapatid ko sa inyo" tiim nya na salita dahilan para mapayuko ako. Magagalit ba si Sev pagsinabi ko na hinalikan ko ang kapatid nya.
"Bakit ayaw mo na lumapit kami sa kapatid mo?" tanong ni Ace at agad naman naalarma si Gabrielle.
"Sabi ni Sev ayaw daw nya na lumapit satin kapatid nya" paglilinaw na sabi ni Gab.
"Pareho na din yun" sagot ni Ace.
It's just, I did not know what to do and what to say. Maybe if I did not made her upset, she's still in my house. Napalingon ako kay khairo na ngayon ay nakatingin din sakin na para bang kanina nya pa ako minamasdan pero agad naman ako napatingin sa ibang direksyon.
"Kung hindi mo kami papayagan na tulungan ka baka mamaya kung saan na napunta kapatid mo, kung mas marami tayo na hahanap sa kanya mas malaki ang tyansa na makita natin sya kaagad" paliwanag ni Zacharias.
"Hindi parin ako papayag" sagot naman ni Sev sa kanya.
"Bakit hindi? Kapatid mo ang nakasalalay" saad ni Zach habang may sarkastikong ngiti sa labi.
"Bakit ba gustong-gusto mo na tumulong?" naiirita na tanong ni Sevhastian sa kanya.
"Because I want to get closer to your stepsister" Zach boldly answered him causing Sevhastian's eyebrows to furrowed. Napatahimik ang lahat dahil sa narinig namin mula kay Zach. Kita ko din kung paano tumingin ng masama si Sev kay Zach. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila. Maliban kay Sevhastian naramdaman ko rin sa dibdib ko ang biglaang galit dahil sa narinig ko, at hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman. Siguro dahil napalapit na ako kay Yn.
"Pasensya na pero, ako yung tao na hindi ko na itatago ang hindi dapat itago" saad ni Zach.
"You like her" napatingin silang lahat saakin.
"You like Yn?" tanong ni Ace kay Zacharias.
"Gusto mo ba mamatay?" tanong ni Sevhastian kay Zach.
"Tutulong ako sa ayaw at sa gusto mo" Zacharias nonchalantly replied to Sev making us silent.
Gusto nya tumulong dahil gusto nya mapalapit kay Yn at parang may sa loob ko na gusto syang pigilan.
"Pwede ba wag ka na makialam saamin na magkapatid?" galit na saad ni Sevhastian kay Zach.
"And one thing...... did you really like my sister?" he asked Zacharias but we didn't hear any words from him. Napatingin sakin si Zacharias na para bang para saakin ang tanong na yun, agad nya binalik ang kanyang mga tingin kay Sev.
"Dapat hindi lang ako ang tinatanong mo nyan" saad nya kay Sev dahilan para mapalingon sya saaming lahat.
"Isa sa inyo ang may gusto sa kapatid ko?" napatanong si Sevhastian dahilan para kaagad na umatras sila.
"May fiancee ako, ikakasal kami next year" paalala ni khairo habang pinapakita screen wallpaper ng cellphone nya.
"Not me" kaagad na tanggi ni Gabrielle.
"You know guys what's the reason why I don't want you to get closer to my sister?" tanong nya saamin.
"Dahil ayuko na dumating ang araw na may magustuhan sya sainyo at ayuko yun na mangyari" dagdag nya na saad saamin.
"Hindi sa ayaw ko sa inyo, dahil sa bata pa ang kapatid ko at higit sa dalawang taon ang agwat nyo sa kanya" saad nya saamin.
Kaagad sya tumayo mula sa pagkakaupo at walang paalam na umalis ng bahay. He didn't say a words when he left.
Napabuntong hininga ang iba bago sila naghiwa-hiwalay at naiwan ako sa leaving room pero hindi ko alam na hindi lang pala ako ang nandon.
"Magsalita kana, wala na sila dito" napalingon ako sa gilid kung nasaan si khiaro na ngayon ay nakaupo.
"What do you mean?" nakangiti ko na tanong.
"The way you look to Zacharias when he said those words" panimula nya na saad at agad nawala ang mga ngiti ko saaking mga labi.
"Hindi ko alam kung ano pinagsasabi mo" sagot sa kanya at napalingon ako sa ibang direksyon.
"Don't deny it, ganyan din ako noon ng marinig ko mula sayo na may gusto ka sa fiancee ko" napatigil ako sa sinabi nya. Matagal na yung nangyari pero tila sariwa pa sa utak ko ang lahat. Nagkagusto ako noon sa isang babae na hindi ko alam na ikakasal na pala kay khairo.
Bakit ganito? Bakit parang ang malas ko pagdating sa ganito?
"Gusto mo si Yn" napatigil ako sa saad nya saakin.
"Pinagsasabi mo?" sarkastiko na tanong ko sa kanya pero malalim sya na napatingin sa aking mga mata. Napatayo si khairo mula sa upuan habang napabuntong hininga.
"Mauna na ako, hinihintay pa ako ng mapapangasawa ko" nakangiti nya na saad bago sya tumalikod saakin at lumabas. Napatingin lang ako kay khairo habang naglalakad sya papalayo. Hanggang sa napaisip nalang ako na, ang swerte pala ni khairo dahil sa kabila ng lahat na nangyari sa kanila ng fiancee nya nagawa nya parin ayusin ang lahat. Minsan naisip ko kung naging kami ng fiancee nya, magiging masaya din ba ako tulad ni khairo?
Wala akong ibang minahal maliban sa fiancee ni khairo, nagkagusto ako sa kanya ng hindi ko nalalaman. Dahil sa naramdaman ko sa fiancee ni khairo ay kahit papano nakalimutan ko ang kapatid ni Sevhastian, doon ko nakalimutan si Yn dahil natuto ako na magkagusto at magmahal ng iba.
Pero tila iba ang sinasabi ng tadhana.....
May gusto pa nga ba ako sa kapatid ni Sev?
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat ko maramdaman. Di ko alam kung kapatid lang ba ang pakiramdam na ito o higit pa sa kapatid?
_____________________
Vote for this chapter (☉。☉)!Ayan na! Ayan na!!!! MALAPIT NA TAYO SA KATOTOHANAN....
BINABASA MO ANG
My Stepbrother's Bestfreind [Enhypen Vergara Series #2]
Romance"No one will know" saad sayo ni Evan habang hawak hawak ang mga kamay mo. You are just a shy girl when you came back from Spain. Noon pa man gustong-gusto mo na ang kaibigan ni stepbrother mo pero hindi nya lang yun basta kaibigan kundi pinsan di...