Chapter 18: Brother

55 10 3
                                    

Yn's pov

Medyo hindi maayos ang mood ko ngayon kaya mas napagdesisyonan kona lang na lumabas sa condo at maglakad-lakad. Naglalakad ako habang kumakanta pero hindi ko inaasahan ang susunod na nangyari pagkatapos ko lumiko papunta sa elevator. Kaagad ako tumakbo pabalik at nagtago sa malaking halaman. I saw my brother carrying a girl on his arms.

Anong ginagawa nya dito?
Bakit may kasama sya na babae tapos walang malay?

Palapit sila ng palapit sa pinagtatagoan ko kaya napagdesisyonan kona lang na tumakbo pabalik ng dorm. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ng makita ko na papalapit na ako sa condominium ko, paglapit ko sa pinto kaagad ko pinindot ang password hindi ko kasi nadala ang swipe card. My password is my birthday that's why I didn't forget it easily. Kaagad ako pumasok pagbukas ng pinto.

Pagpasok ko sa aking unit ay kaagad ko itong sinara tapos napasandal ako sa pinto. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa kaba.

Grabe muntik na yun.

Napatingin ako sa paligid ko. Bakit parang medyo iba ang nararamdaman ko ngayon sa unit ko. It feels so unfamiliar and weird. Napatigil ako ng makarinig ako ng tunog mula sa kwarto, tunog ng isinara na pinto. Kaagad ako naalarma.

Baka may nakapasok...

Dahan-dahan ako na pumunta sa kwarto habang may hawak-hawak na flower vase. Mahirap na baka mamaya magnanakaw o di kaya stalker. Sinubukan ko na hindi makagawa ng kahit ano na ingay.

Ngunit hindi ko inakala sa susunod na nangyari. Isang lalaki ang lumabas sa banyo at nakatapis lang sya ng tuwalya habang ang isang tuwalya naman ay nasa buhok nya pinupunas, mas malala pa ng malaman ko na si kuya Evan pala ang nasa harapan ko ngayon.

Napatulala nalang ako at hindi ako nakapagsalita. His hair is wet, and the top of his body is revealing, causing his bare chest and abs to show up.

"Kuya Evan?...."

Napaatras ako dahil sa mga katanungan na nasa utak ko ngayon. Pero kaagad ako napatigil dahil may natapakan ako at saka ko lang napagtanto na basag na pala ang dala-dala ko na flower vase kanina. Ngayon duguan na ang paa ko dahil yung flower vase pala ang natapakan ko.

Napahawak ako sa mesa na malapit sakin dahil medyo nawala ako sa balanse pero mas lalo akong kinabahan ng lumapit sakin si kuya Evan at binuhat nya ako sa bridal style. Napahawak ako sa mga braso nya na ngayon ay walang saplot. Then he gently placed me on the couch making me wince a bit because of the wound.

"Hintayin mo ako dito" he said in a firm and low voice causing my cheeks to flush in red. That was the hottest moment in my life. Imagine, Evan Furrer Vergara carried me in a bridal style and half naked.

Makalipas ng ilang minuto ay bumalik sya na naka damit pero basa parin buhok nya. Binuhat nya ako ulit papunta sa kusina at pinaupo nya ako sa mesa umaabot hanggang tyan nya ang tangkad nito. Tapos kumuha sya ng maliit na palanggana saka nya ito linagyan ng tubig. Pinapanood ko lang sya ng tahimik at napapaisip din ako kung magiging ganito rin sya sakin kung may pag-asa ako sa kanya.

I flinched a bit when he started washing my wounded feet. Napatigil sya ng kunti at tumingin sya sa mga mata ko.

"Masakit?" he asked me in a gentle voice. Napatango lang ako sa kanya.

"Sorry.... I'll be gentle" saad nya sakin sa malambot na paraan bago nya sinimulan ulit hugasan ang sugat ko.

Pagkatapos nya mahugasan ang paa ko na may mga sugat ay kaagad nya ito ginamot ng maayos.

"Salamat" saad ko sa kanya dahil napansin ko na tapos na ang paggamot nya sakin. Ngunit kaagad napatikom ang aking mga bibig ng pinatong nya ang kanyang mga kamay sa mesa at nasa pagitan ako ng kanyang mga kamay.

"Explain how'd you got here" saad nya sakin dahilan para mapataas ang isa ko na kilay.

"Eh?.... Excuse me, ako dapat nagtatanong sayo nyan... anong ginagawa mo sa unit ko?" I asked him back with full confident.

"It's not your unit" saad nya sakin pabalik.

"The bedroom of your unit is in the right side while mine is in the left side" dagdag nya na saad dahilan para mapaisip ako na tama nga sya. Ibig sabihin lang nun wala ako sa unit ko.

"Bakit di mo sinabi na may unit ka pala dito?" inosenteng tanong ko sa kanya.

"Wag mo ibahin ang usapan, pano ka nakapasok dito?" tanong nya ulit.

"I... I saw my brother in the hallway and I immediately rushed in your unit, akala ko kasi unit ko" paliwanag ko sa kanya.

Napagdesisyonan ko na bumaba mula sa pagkaupo sa mesa pero kaagad nya ako pinigilan at binuhat pabalik sa sofa.

"May sugat paa mo, baka mamaya sumakit na naman yan" saad nya matapos nya ako mailagay sa sofa. Naamoy ko ang pabango nya dahil sa pagbuhat nya sakin.

The way he treat me, feels like I am the most precious thing he have ever held and seen.

But what if he is just treating me this way because he only sees me as his cousin's sister, what if he is treating me this way because of that. What if parang kapatid na ang turing nya sakin......

No, I want more. Kung sa ganitong paraan lang na mararanasan ang ganito, gagawin ko. I can be his sister even though I don't like.

"Kuya Evan....." saad ko dahilan para mapatingin sya sakin.

"Hmm" he hummed as response.

"Can you be my brother?"







Evan's pov

Napatigil ako sa tanong nya sakin. She is now asking me to be his brother.

No Yn, I can be your man....

Napatigil ako sa aking iniisip dahil naalala ko ulit na kapatid sya ni Sevhastian, kapatid sya ng pinsan ko, kapatid sya ng bestfreind ko.

"Oo naman" sagot ko sa kanya dahilan para mapangiti sya at saka ko lang napagtanto na ang ganda nya kapag nakangiti. She didn't wear any makeup but she's stunning.



_______________________
Vote for this chapter ╰⁠(⁠⸝⁠⸝⁠⸝⁠'⁠꒳⁠'⁠⸝⁠⸝⁠⸝⁠)⁠╯

Ganito kasi, nawala lang naman ang anim na chapter na dapt ko e publish kagabi, kasi nag brown out at di ko na save, ngayon from the start na naman ako bhe!!!!!

My Stepbrother's Bestfreind [Enhypen Vergara Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon